RSS

Mga Kalahok at Nakiisa

Sa loob ng halos mag-aapat na buwan na tinakbo ng patimpalak sa pagsulat na ito, mula paghahanda, pagpapakilala at pagbibigay ng award; marami akong nakilala, naging kaibigan at natutunan. Akala ko noong una ay madali lang magpakontes, pero nang umandar na ito at ipinakilala... hala! ang dami ko palang dapat asikasuhin. Buti na lamang at marami akong kabagang na tumulong.
Nais ko sanang ipaabot ang napakalaking pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa inyong lahat na naniwala at nag abot ng tulong.
Gayundin  sa lahat ng sumali; nag-isip, nagbigay ng oras upang paganahin ang naitago sa baul nilang kaalaman sa pagsulat, Maraming salamat at marami naman kayong bata at maging matatanda na mapasasaya sa inyong mga sinulat.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1st Saranggola Blog Awards Winners

Narito na po ang listahan ng mga nagsipagwagi para sa karangalang Blogaling!

Judges Choice / Blogaling!
  1. Ito yung mapipili ng mga hurado
  2. Hindi muna ipakikilala ang mga hurado
  3. May Palanca awardee, sikat na vlogger, artist, influential blogger,author ng aklat, Professor, at iba pa. Kasalukuyang kinokontak ang ilan sa kanila; ang iba naman ay tumugon na.
  4. Magkakaiba ng hurado sa iba’t-ibang kategorya; kami na lang ang magsusuma o magcocompute ng mga puntos na binigay ng hurado

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Pagbuo ng Saranggola

Dala siguro ng malamig na pure double chocolate matapos i-pull out ang mocha mudslide ng Coffee Bean and Tea Leaf sa Greenbelt, (hanep sa promotion, isponsor naman dyan), ay nagkabunga ang pagtambay-tambay gabi-gabi. Sa ngayon ay hindi lang ang lumaki kong belly ang idinulot ng whipcream kundi isang kakaibang blog awards na pumatok naman sa mga bloggers.

Mula sa seryosong pagsulat ng tula, maikling kwento, sanaysay at maikling kwentong pambata; na para sana sa buwan ng wika ay nauwi ito sa mas simple at mas madaling gawin.

Naghahanap ako ng paksa na pwedeng paglaruan at kumiliti sa isipan ng mga bloggers at sa tulong ng mga kaibigan na sina Fritz at Wynds, nabuo namin ang konsepto ng Saranggola Blog Awards.

Bakit Saranggola?

Kailangan ang paksa ay tungkol sa kalayaan, sa walang hanggan, sa pagiging malikhain, yung nagbibigay saya, nagbabalik ng pagkabata at ito nga ay lumilitaw sa pagpapalipad ng saranggola.

Kaya nga ang bawat isusulat ay malaya; kahit anong paksa basta may kinalaman o attribution ng saranggola.

Gayundin, upang mabigyang buhay ang patimpalak, mamimigay ng mga saranggola sa mga bata upang mahikayat sila na maglaro, maglibang, mangarap at i-enjoy ang kanilang kabataan. Kailangan silang tumingala at tumanaw sa malayo, matuto sa paglikha at pagpapalipad ng saranggola.

Hanggang sa maraming makukulay na saranggola ang muling lumipad sa kalawakan. Maraming bata ang tatakbo at inaalagwa ang mga pisi, tinuturuang dalhin ang kanilang saranggola sa mas malayo at mas mataas; ililigtas sa malakas na bayo ng hangin.

at sasamahan natin sila, muling matuto at maaalala ang mga aral sa pagpapalipad ng saranggola!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS