RSS

Ano ang Saranggola Blog Awards?

 1. Ano ang Saranggola Blog Awards?

Patimpalak para sa Pagsulat ng Tula. Maikling Kwento at Maikling Kwentong Pambata
2. Sino ang pwedeng sumali?
Mga Filipino Bloggers, 18 years old pataas, nasa loob o labas ng Pilipinas
3. Ano ang layunin ng Saranggola Blog Awards?
Para hikayatin ang mga bloggers na magsulat sa Filipino
Magkaroon ng mga tula, maikling kwento at kwentong pambata na nasa internet na magagamit o mababasa ng mga bata / kabataan.
4. Paano nahihikayat ang mga bloggers na sumali sa patimpalak na ito?
Nagbibigay ng mga malilit na premyo para sa mga magwawagi.
 Nagiging bahagi sila ng pagbibigay kasiyahan sa ilang mga bata sapagkat bukod sa napaparami ang mga kwento at  tula sa internet, nagbibigay ang organizer ng saranggola blog awards ng mga saranggola sa piling lugar / kabataan. Kung ilang entries ang sumali, ganung karaming saranggola ang ipinamimigay.
5. Kailan nagsimula ang Saranggola Blog Awards?
July 8, 2009 nagsimula ang Saranggola Blog Awards.
Ito ay taunang gagawin.
Buwan ng Agosto ang sentro ng okasyon bilang pakikibahagi sa Buwan ng Wikang Filipino at umaabot ng ilang buwan depende sa laki ng preparasyon at programa.
6. Sino ang nasa likod ng Saranggola Blog Awards?
Bukod sa akin, na isang blogger, may mga tumutulong sa pamamagitan ng pagbabagi ng premyo o mga nag i sponsor, may mga hurado o judges na naririyan at mga kaibigan na tumutulong sa paghahanda gaya ng pagdedesign ng logo, teaser at kasamang nagbabahagi ng opinyon kung paano pa mapapaganda ang patimpalak na ito.
7. Ano ang tema ng  Saranggola Blog Awards?
Taon-taon ay iniiba ang tema ng patimpalak na ito.
Noong 2009, ang tema ng Tula ay tungkol sa kalayaan, pangarap, pagkamalikhain o mga attributes sa pagpapalipad ng saranggola. Para sa Maikling Kwento, saranggola o kwentong nabigyang buhay gamit ang saranggola, mga aral, ideya o kaisipan na makukuha sa paglikha, o pagpapalipad ng saranggola at para naman sa Kwentong Pambata; temang naghihikayat sa mga bata na maglaro at maglibang.
Kung may tanong, maaring i email sa akin;   bernardumali@yahoo.com


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment