RSS

2013 Saranggola Blog Awards

Limang Taon na Tayo!


“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”


Sa taong ito, mas malawak ang liliparin ng Saranggola Blog Awards (SBA).
Bukod sa SBA na sinasalihan ng mga blogger na 18 taong gulang pataas, magkakaroon ng Saranggola Blog Awards Junior (SBAJr.) Ito ay bukas naman sa mga kabataang may edad na 13 - 17!

Ang Tema natin sa taong ito ay 
"TAHANAN"


Kategorya para sa Saranggola Blog Awards 2013 
(18 taong gulang pataas)

Kategorya
1.      Maikling kwento
2.      Kwentong pambata
3.      Tula
4.      Blog / Sanaysay 

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2013 – Oktubre 15, 2013


Kalahok
  1. Filipino citizen, 18 years old pataas
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media)
  4. Maaaring sumali kahit ang blog ay nasa wikang Ingles o anumang dayalekto. 
  5. Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2013.
  6. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.
Ang entry ay kailangang ilagay sa isang blog platform gaya ng wordpress at blogspot. Kung nasa facebook note ang entry, mangyaring ilipat ito sa nasabing platform. Ang pagsama sa Facebook Note sa listahan sa itaas ay para lamang sa mga nagtatanong kung pwede silang matawag na blogger kung facebook note ang gamit nila. Ang layunin natin ay mahikayat ang mga blogger na magsulat nang nasa wikang Filipino sa online platform kaya tinuturing nating ang facebook note ay isang basehan sa pagiging blogger subalit nais nating ipalipat ito sa ibang platform upang mas mabasa ng nakararami. Madalas kasi ay naka pribado  ang "setting" ng mga gumagamit ng facebook kaya nahihirapan kami at ang hurado na basahin at siguruhing sumunod sa patakan ang kanilang entry




Kategorya
Pagsulat ng Tula
  1. Gumawa ng isang tula na may temang Tahanan.
  2. Maaaring may sukat, maaari ring malaya, kahit gaano kahaba.
  3. Ipost bilang isang blog entry.
  4. Ang pamagat ng tula ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng tula na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 5 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS