Upang mas lalong maintindihan ang paksang ito, basahin ang kaisipan sa ibaba:
“Tayo
na, sama-sama sa hinaharap na mapayapa, maunlad, masaya. Walang iwanan.”
Noong
2000, nagkasundo ang maraming bansa sa mundo na magkaroon ng mga hangaring pangkaunlaran
na sisikaping makamit sa taong 2015. Ito ang tinatawag na Millenium Development
Goals (MDGs) na sinang-ayunan maging ng Pilipinas. Kabilang sa mga hangarin na
ito ay ang:
- Sugpuin ang matinding
kahirapan at
kagutuman
- Isagawa ang pangkalahatang primaryang edukasyon
- Itaguyod ang pagkakapantay-pantay at pagbibigay ng kapangyarihan sa
mga babae
- Bawasan ang dami
ng namamatay na bata
- Paunlarin ang pang-inang kalusugan (maternal health)
- Labanan ang HIV/AIDS, malarya, at mga iba pang sakit
- Tiyakin ang kapanatilihang pangkapaligiran
- Paunlarin ang pandaigdigang pagsasama ukol sa kaunlaran
Nagtaya ang Pilipinas noong 2000 na magagawa natin
ang mga hangarin na ito pagdating ng 2015, ngunit marami sa mga hangarin na ito
ang hindi nakamit ng ating bansa. Halimbawa nag-target tayo na mabawasan ng
kalahati ang mahihirap sa Pilipinas (mula sa 36% poverty incidence noong 2000,
gawing 16% sa 2015), ngunit sa ngayon ay malayo pa tayo sa target (nasa 25% ngayon) at inamin na ng pamahalaan na
hindi ito makakamit sa 2015.
Dahil dito, mas lalo pa tayong dapat na hindi tumigil
na mapabuti ang kalagayan ng mga tao sa Pilipinas. Sa ngayon, may mga
panibagong mga hangarin na binubuo, at ito ang tinatawag na Post-2015
Development Agenda o tatawagin sa kalaunan na Sustainable Development Goals.
Nilalayon nito na paangatin ang kalagayan ng mga mahihirap, kababaihan,
kabataan, kalikasan at iba pa pagdating ng taong 2030. Magkakaroon muli ng mga
pagtataya ang ating pamahalaan bilang pakikiisa sa pandaigdigang hangarin na
ito. At dito ay kailangan ang ating boses na maisama, boses ng mga mamamayan.
Mahalaga ang papel ng social media upang maipaabot
ang kahilingan ng bawat Pilipino. Na sa lahat ng mga pag-uusap tungkol dito, sana
matulungan natin na hindi naiiwan ang mga mismong mamamayang nakakaranas ng
hagupit ng bagyo, ng araw-araw na pagkaranas ng pagkagutom, mga kumakain ng
pagpag, mga nahihirapan magpaaral sa mga anak, namamatay dahil walang perang pampagamot,
napepeste ang mga tanim, at iba pa. Sa bawat boses na naipaparinig natin,
nakakatulong tayo upang mas mabuti ang ating sarili, ang ating bansa at buong
mundo.
Para sa ilang mga links (global) tungkol sa usaping
ito:
http://www.whiteband.org
http://www.worldwewant2015.org
http://www.action2015.org
Kategoryang Liham: Liham ng Isang OFW
- Gumawa ng Bukas na Liham isang Overseas Filipino Workers.
- Tiyaking ang liham ay magpapakita ng kabutihan, pagmamahalan,, aral at hindi makakapanakit sa damdamin ng tinutukoy o sinusulatan.
- Bukas Ito sa lahat ng OFW. Kinakailangang ang kalahok ay nasa ibang bansa.
- HINDI hihigit sa 2000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat isandaang (100) sobrang salita.
- Ang pamagat ng inyong lahok ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 6 at nakalink sa www.sba.ph
Ilagay ang logo ng Saranggola Blog Awards sa ibaba ng inyong blogpost post entry o sa sidebar ng blog at ilink ito sa
www.sba.ph upang maging opisyal ang inyong lahok.
Ilagay din ang logo ng ating sponsors (gamitin ang code) sa ibaba ng inyong blogpost entry/ sidebar upang maging opisyal ang inyong lahok.
Kopyahin ang code sa ibaba at ilagay sa inyong blogpost habang ito ay naka html mode

email : saranggolablogawards@gmail.com
bernardumali@gmail.com