RSS

2018 Saranggola Blog Awards

"Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Mga Kategorya para sa Saranggola Blog Awards

(EXTENDED  hanggang Oktubre 25, 2018)

Kategorya

• Maikling kwento
• Kwentong pambata
• Tula
• Sanaysay
• Dagli
• Pagsusuri ng Akda

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2018 - Oktubre 15, 2018

Kalahok
1. Filipino citizen, 18 taong gulang pataas - (18 years old bago mag Dis 16, 2018)
2. nasa loob o labas ng Pilipinas
3. Bukas ito sa lahat; may blog na o magsisimula pa lang na mag blog.
4. Gumamit ng blog platform gaya ng wordpress, blogger, tumblr, at iba pa basta ito ay naka public upang mabasa ng lahat. Ilagay sa kategoryang R18 kung sa tingin mo ay  maselan ang iyong paksa at hindi angkop sa nakababata.
5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.

Pagsulat ng Tula
" Sexual Harassment"

Sumulat ng tatlong (3) tula na may paksang tumatalakay sa "Sexual Harrassment".
1. Ipost bilang isang blog entry at lagyan ito ng pamagat
2. Tatlong tula na may tatlong pamagat ang laman ng gagawing blog post.
3. Isulat sa ibaba ng tula na ito ay lahok sa sa Saranggola Blog Awards 10 at nakalink sa www.sba.ph.
4. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
5. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Maikling Kwento
"HIV / AIDS"
1. Maikling Kwento na may paksang "HIV / AIDS"
2. Panoorin ang mga video na nasa ibaba tungkol sa HIV / AIDS upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa HIV / AIDS bago magsulat ng maikling kwento.
3. Gumamit ng plot at tiyaking sangkap ang bawat elemento ng maikling kwento.
4. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.
5. Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa      baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 10 at nakalink sa www.sba.ph.
6. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
7. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.
Panoorin ang mga video na may kinalaman sa HIV / AIDS

Kwentong Pambata
"Batang May Kapansanan"
1. Kwentong Pambata na may paksang "Batang May Kapansanan".
2. Kwento Pambata para sa mga batang nasa edad 12 pababa.
3. HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Limampung (50) sobrang salita.
4. May mga salita at aral na angkop sa mga bata.
5. Nagpapakita ng pagpapahalaga at pagtataguyod ng karapatan, kagalingan, pagkakapantay-pantay at kakayahan ng mga batang may kapansanan.
6. Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat      sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 10 at nakalink sa www.sba.ph.
7. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
8. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Sanaysay
"Mental Health"
1. Sanaysay na tatalakay sa "Mental Health." Malayang pumili ng kawingna paksa sa ilalim nito gaya ng depresyon, "suicide" at iba pa.
2. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat Isandaang (100) sobrang salita.
3. Ang pamagat ng Sanaysay ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 10 at nakalink sa www.sba.ph.
4. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
5. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Dagli
"LGBT / SOGIE"

1. Sumulat ng 3 dagli na may paksang LGBT o kaya ay SOGIE.
2. Hindi hihigit sa 200 salita bawat dagli.
3. Pumili ng angkop na pamagat sa bawat dagli.
4. Lagyan din ng isang pamagat na ilalagay bilang pamagat ng Blog.
5. Kinakailangang isulat      sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 10 at nakalink sa www.sba.ph.
6. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
7. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.

Panoorin ang video namaaaring makatulong upang magkaroon ng kaalaman tungkol sa paksa:

Pagsusuri ng Akda
"Nobela ni Beverly Siy"

1. Basahin ang isa sa mga aklat ni Beverly Siy o kilala bilang si Bebang.
2. Gumamit ng hindi hihigit sa 2,000 salita para sa pagsusuring akda.
3. Pumili ng angkop na pamagat para ng iyong pagsusuri.
4. Kinakailangang isulat      sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola Blog Awards 10 at nakalink sa www.sba.ph.
5. Ikabit din ang logo ng isponsor na nakalink sa kani-kanilang website.
6. Isulat sa Comment Section ng post na ito na ikaw ay lumahok at ilagay ang link ng iyong lahok.
Ang mga aklat ni Beverly Siy

1. Ang lahat ng entry ay nasa Filipino.
2. Mag sign up sa saranggola.ph
3. ilagay doon ang iyong detalye at detalye ng iyong lahok.
4. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda.
5. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
6. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
7. Ipost ang inyong entry mula Setyembre 1, 2018 - Oktubre 15, 2018.
8. Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ilagay sa inyong account sa www.saranggola.ph
9. Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo at ang mga logo ng sponsor na nakalink patungo dito.
10. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
11. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
12. Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap  Sa Nobyembre 15, 2018. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.
13. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.
14. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.

Paano Pipiliin ang mananalo
1. Ang lahat ay dadaan sa masusing pagpili ng ating mga  hurado.
2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling!

Karangalan Para sa SBA

Ang magwawagi sa mga kategoryang Maikling Kwento, Kwentong Pambata, Sanaysay, Tula at "Hugot Lines" ay magkakamit ng
1. recognition badge sa kanilang website / blog
2. P5,000 cash
3. special commemorative award
Ang ikalawang karangalan ay tatanggap ng

a. Sertipiko ng karangalan
b. Recognition badge sa kanilang website / blogsite
c. P3,000

Ang ikatlong karangalan ay tatanggap ng

a. Sertipiko ng karangalan
b. Recognition badge sa kanilang website / blogsite
c. P2,000

Ilagay ang logo ng Saranggola Blog Awards sa ibaba ng inyong blogpost post entry o sa sidebar ng blog at ilink ito sa www.sba.ph upang maging opisyal ang inyong lahok.

Ilagay din ang logo ng ating sponsors sa ibaba ng inyong blogpost entry/ sidebar upang maging opisyal ang inyong lahok. Maaring kopyahin ang kanilang logo at i link sa kanilang website:

DMCI - i link sa https://www.dmcihomes.com/

Cultural Center of the Philippines - i link sa http://culturalcenter.gov.ph

Golden Leaf Productions na maari namang i link sa https://www.facebook.com/GoldLeafTeam/

Para sa mas madaling paraan, maaaring kopyahin ang code na ito at ilagay sa inyong blog entry (html) para lumitaw ang mga sponsors.

email : saranggolablogawards@gmail.com

• Digg
• Del.icio.us
• StumbleUpon
• Reddit
• RSS