RSS

Saranggola Blog Awards 2022 - Ang Pagbabalik

 "Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

SBA 12 :
Pagbabalik ng Saranggola Blog Awards

Paksa : “Supíl”

Mga Kategorya:
• Maikling Kuwento
• Kuwentong Pambata
• Tula
• Sanaysay
• Maikling Bidyo na Pang-Social Media (reels/tiktok)

Petsa ng Patimpalak: Oktubre 1 - Nobyembre 7, 2022

Mga Kalahok:

1. Filipino citizen, 18 taong gulang pataas (18 years old bago mag Disyembre 20, 2022)
2. Nasa loob o labas ng Pilipinas
3. May blog na o magsisimula pa lang na mag-blog
4. Gumagamit ng blog platform gaya ng Wordpress, Blogger, Tumblr at iba pa basta ito ay naka-public upang mabasa ng lahat (Ilagay sa kategoryang R18 kung sa tingin mo ay maselan ang iyong paksa at hindi angkop sa nakababata)
5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito

Tula:
1. Lumikha ng tatlong tula na may kani-kaniyang pamagat na nakaayon sa temang “Supíl.”
2. I-post bilang isang blog entry at lagyan ito ng isang kabuuang pamagat.
3. Isulat sa ibaba ng tula na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 12.

Maikling Kuwento
1. Maikling kuwento na may paksang "Supíl."
2. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat sobrang isang daang (100) salita.
3. Ang pamagat ng maikling kuwento ang siyang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa ilalim ng maikling kuwento na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 12.

Kuwentong Pambata
1. Kuwentong pambata para sa mga batang nasa edad 12 pababa.
2. Nakatuon sa paksang “Supíl.”
3. HINDI hihigit sa 1500 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat limampung (50) sobrang salita.
4. May mga salita at aral na angkop sa mga bata.
5. Ang pamagat ng kuwentong pambata ang siyang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng kuwento na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 12.

Sanaysay
1. Sanaysay na may temang “Supíl.”
2. HINDI hihigit sa 3000 salita. Isang (1) puntos ang ibabawas sa bawat isandaang (100) sobrang salita.
3. Ang pamagat ng sanaysay ang siyang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng sanaysay na ito ay lahok sa Saranggola Blog Awards 12.
4. Ilagay o ipakilala sa ibabang bahagi ng lahok ang mga sanggunian at anotasyon na ginamit.
Maikling Bidyo na Pang-Social Media
1. Gumawa ng maikling bidyo na may habang isang minuto hanggang tatlong minuto na may paksang “Supíl.”
2. Maaaring ito ay may dayalogo, sinasalaysay, o kinukuwento lang ng mga kuhang larawan.
3. Tiyaking orihinal ang kuha o ang bidyo.
4. Kung lalagyan ng musika, siguraduhing sarili ang musika o di kaya ay gumamit ng libreng musika (copyright-free/royalty-free) o kaya ay sundin ang batas sa tamang paggamit ng musika sa bidyo na isasali sa patimpalak.
5. Gayundin, kung hindi maiiwasang magsingit ng video clip o larawan, sundin ang patakaran sa paggamit nito.
6. Lagyan ng tamang credit sa huling bahagi ng bidyo.
7. Ilagay sa inyong Tiktok/Reels/Youtube account o ipost sa inyong blog.
8. Ipadala rin ito sa aming email.
9. Ang inyong entry ay pagsasama-samahin at ilalagay sa social media account ng Saranggola Blog Awards.

Kabuuang Gabay
1. Ang lahat ng lahok ay nasa Filipino.
2. Ipadala ang lahok sa www.saranggola.org simula Oktubre 20, 2022.
3. Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda.
4. Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya.
5. Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
6. Ipost ang inyong entry sa inyong blog.
7. Kinakailangan ding ilagay sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ng blog ang Saranggola Blog Awards logo, Cultural Center of the Philippines logo, at ang web link patungo sa kanilang web address.
8. Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
9. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
10. Ipapaalam sa lahat ng mga sumali kung ang kanilang lahok ay opisyal na tinatanggap sa Nobyembre 15, 2022. Titiyakin ng bumubuo ng SBA na ang lahat ng lumahok ay nakasunod sa panuto.
11. Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw/taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok/entries ng SBA.
12. Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunpaman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang akda.

Paano pipiliin ang mananalo
1. Ang lahat ay dadaan sa masusing pagpili ng ating mga hurado.
2. Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling!

Karangalan Para sa SBA
Ang magwawagi ng unang karangalan sa mga kategoryang Maikling Kuwento, Kuwentong Pambata, at Sanaysay ay magkakamit ng:
a. Recognition badge sa kanilang website/blog
b. Php 6,000 cash
c. Special commemorative award
Ang ikalawang karangalan ay tatanggap ng:
a. Sertipiko ng karangalan
b. Recognition badge sa kanilang website/blog
c. Php 4,000 cash
Ang ikatlong karangalan ay tatanggap ng:
a. Sertipiko ng karangalan
b. Recognition badge sa kanilang website/blog
c. Php 2,000 cash
Ang magwawagi ng unang karangalan sa kategoryang Maikling Bidyo na pang-Social Media ay magkakamit ng:
a. Recognition badge sa kanilang website/blog
b. Php 10,000 cash
c. special commemorative award
Ang ikalawang karangalan ay tatanggap ng:
a. Sertipiko ng karangalan
b. Recognition badge sa kanilang website/blog
c. Php 7,000 cash
Ang ikatlong karangalan ay tatanggap ng:
a. Sertipiko ng karangalan
b. Recognition badge sa kanilang website/blog
c. Php 5,000 cash
Huwag kalimutang ilagay ang logo ng Saranggola Blog Awards sa ibaba ng inyong blogpost post entry o sa sidebar ng blog at ilink ito sa www.saranggola.org upang maging opisyal ang inyong lahok. Ilagay rin ang logo ng ating sponsor, ang Cultural Center of the Philippines, sa ibaba ng inyong blogpost entry/sidebar upang maging opisyal ang inyong lahok. Maaring kopyahin ang kanilang logo at i-link sa kanilang website: http://culturalcenter.gov.ph.

Email : admin@saranggola.org







  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS