RSS

Maikling Kwento - Finalist 1


Ang Dalawang Tulay ng Balat-Kahoy
blog : Oh. my doodles!

         Labing-limang taon, uminog ang kanyang buhay sa lugar na ito.Isang liblib na lugar sa paanan ng kabundukan ng Makiling at Banahaw sa bayan ng Mauban,Quezon na tinatawag nilang Balat-Kahoy. Dito rin siya isinilang. Saksi ang kanyang kamusmusan kung paanong hinawan ng kanyang ama ang iba’t ibang puno sa panganga-ingin. Kalaunan, ang nahawang lupa ay tinaniman naman ng mga iba’t-ibang gulay na siya nilang naging kabuhayan. Sa paghihintay ng anihan, nag-uuling ng kahoy ang kanyang ama na dinadala nila sa bayan ng Mauban upang ipagbili. Ang kapayakan ng buhay nilang ito ay mukha ng pagdarahop para sa kanya.Iyon ang nag-pursigi sa kanya upang mag-aral kahit pa nga higit yata sa apat na milya ang nilalakad niya araw-araw at dalawang ilog ang tinatawid bago marating ang paaralan.

Ang gayong kondisyon ay tiniis niyang lahat, kasama na ng kawalang-suporta ng kanyang Ama at Ina sa nakaraang apat na taon.Noong nakaraang buwan lamang,natapos niya ang kanyang hayskul. Hudyat iyon para tuluyan nang takasan ang lugar na ito na nagpatubo ng hinanakit at galit sa kanyang puso. Ang nakaraang apat na taon ng naudlot na planong pag-alis,matutupad na rin bukas.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Maikling Kwento - Finalist 2

Dalawang Sintas
blog : Kwento ni Kat
link : http://katrinadanieles.wordpress.com/2010/09/16/dalawang-sintas/
 
Nawawala ako. Nawawala ako.  Yan lang ang paulit-ulit sa utak ko dahil nandito ako ngayon sa gitna ng isang lugar na hindi ko alam kung saan. Ayoko namang mag-tanong-tanong dahil baka sabihin nilang tatanga-tanga ako. Bakit nga ba nandito ako sa lugar na 'to? Dahil may hinahanap akong paaralan. Kaninong paaralan? Anak sa labas ng taong mahalaga sa akin. Sinong tao? Ang ama ko.

Ngayong kolehiyo ko lang nalaman na nagloko pala ang tatay ko nung hayskul ako. Nagbunga ang  pagkakamaling yun kaya nandito ako ngayon sa lugar na ni wala akong kaalam-alam kung saan, para itama ang pagkakamaling yun. Pupuntahan ko ang bastarda o bastardong anak para pagsabihan na 'wag nang umasang mas pipiliin sila ng tatay ko kesa sa pamilya namin.  Sasabihan ko siyang lumayo-layo na sila at huwag ng magparamdam para magkaroon na ng katahimikan ang pamilya namin. Habang bata pa siya, mas mabuting alam niya kung saan siya lulugar.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Maikling Kwento - Finalist 3

Gabay
blog : Goyo's Adventure

Lumaki ako sa hirap, sa pinakamahirap na sitwasyon na pwedeng sapitin ng isang tao. Iniwanan kami ng aking Ama, kami lang ni Inay ang magkasama sa buhay. Laging kumakalam ang sikmura, laging gutom, kahit tubig minsan hindi pa makainom. Wala akong kalaro. Wala akong mga kaibigan. Minsan nga na napadaan kami ni Inay sa parke, inggit na inggit ako sa mga batang naglalaro ng saranggola, tumatakbo, naghahabulan kasama ng mga kaibigan. Tanging inggit at awa lang sa sarili ang nararamdaman ko sa tuwing makikita ko sila, kasabay ng pagpatak ng aking mga luha ang taimtim na dasal na sana bukas guminhawa ang aming pamumuhay.

Gusto kong mag-aral. Yan ang tangi kong bulong. Pinilit ko si Inay na ipasok ako sa elementarya, pinag-usapan namin ito sa aming pwesto ng sigarilyo at kendi malapit sa munisipyo at isang pampublikong eskwelahan. Tutol man si Inay sa pagpasok ko sa elementarya, nagpumilit pa din ako kahit naging tampulan ako ng tukso ng mga istudyante. Bukod sa aking edad, lagi din nilang pinagdidiskitahan ang aking kasuotan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Maikling Kwento - Finalist 4

Kimchi
blog : Lipadlaya


Hunyo 15, 2008. Incheon Airport, South Korea. Isang oras pa at sasakay na ako sa eroplanong magbabalik sa akin sa bansang Pilipinas. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pananabik, pasasalamat, pagkalungkot at pag-asa. Matagal-tagal rin naman akong hindi nakauwi sa bayang sinilangan at alam kong nasasabik na rin sa akin ang aking pamilya at ang aking kasintahan. Ano kaya ang una kong gagawin?

Nasa ganoon akong pagmumuni-muni nang may lumapit sa akin na matandang lalaki. Kagalang-galang ang hitsura niya sa suot na polo-barong.  Balikbayan din at marahil, naghihintay  ng parehong flight.

“Iho, atleta ka ba? Mukhang nag-uwi ka ng karangalan sa Pilipinas e,” bungad niyang tanong sa akin habang nakatingin sa aking hand carry. Paano ba naman, may dala akong maliit na trophy, may kalakihang stuff toy at plake na nakalagay sa paper bag.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Maikling Kwento - Finalist 5


Saranggola ni Pippin
blog : It's a small world after all


 
“Jopat!!!!”
Umalingawngaw ang hiyaw ni Pippin habang hila-hila siya ng Inay papalayo. May isang itim na oto ang nakaabang. Mahaba ito’t nakabukas pa ang bintana. Isang lalaking nakasalaming-pang-araw ang nakikita kong nakatitig kay Inay. Seryoso ang kanyang mukha.

Hinatak ng isang lalaking naka-asul na barong ang kapatid ko papasok ng itim na sasakyan. Halos mabalian siya ng braso sa kaladkad ng matipuno at maskuladong nilalang. Sa kanyang mga mata, kitang-kita ang kaitiman ng kanyang isipan. Isang pitik lang, alam kong kayang-kaya nyang patayin si Pippin.

Wala akong nagawa. Hila-hila rin ako ng aking Tatay-taytayan. Mahigpit ang kapit niya sa aking balikat. Hinahatak ako ni Itay na parang pangtindang karne sa palengke. Tila mga kalawit ang kanyang mga daliring bumabaon ng mariin sa aking balat. Ang mga sakong ko’y nababalutan na ng dumi ng lupa at putik sa iskwater’s area.

Nagsusumigaw at nagpupumiglas si Pippin. “Jopat! Jopaaaat!”. Humiyaw din ako. Isinisigaw ko ang pangalan ng bunsong kapatid ko. Nakatitig ang mga kapitbahay. Ngunit tila mga istatwang nakatutok lamang sila sa aming mumunting eksena.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Tula - Finalist 1

Bukas Kaya
blog : tula (at tuwa) ni Au

Walang Alam

Di siya marunong lumangoy
--wala namang ilog na mapagpapraktisan.
Di siya marunong umakyat ng puno
--wala namang punong matutuntungan.
Di siya marunong gumaya ng huni ng ibon
--wala na rin kasing ibong napapakinggan.

Ni hindi niya nga alam
       kung ano ang tarsier, o tamaraw, o pilandok--
naubos na ng walang pakundangan
at kahit na may maipakita akong larawan,
ano naman ang larawan sa batang walang nakita, naranasan
--kaya walang alam?
Kawawa naman ang anak ko.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Tula - Finalist 2

Mga Signos
Blog : Kwento ni Kat

Sa Barrio Tuyo
Meron akong kwento
Tungkol Sa Barrio Tuyo
Taong dalawang libo’t dalawampu
Kung saan ang tubig ay nauubos na
At ang tao’y uhaw sa tuwina

Sa Kusina
Si bunsong nauuhaw
Kinuha ang  softdrinks na di malinaw
Ininom, tsaka nagtanong sa kuya
Kuya,ang tubig noon, ano po ang itsura?

Walang lasa
Pero pinakamasarap sa iba
Mas gusto mo pag malinaw
At walang iba pang kulay na lumilitaw
Hindi tulad ngayon, tubig na pampaligo
Sa ibang lugar  pa kinukuha, di pa klaro

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Tula - Finalist 3

Nasa Tao ang Gawa, nasa Kalikasan ang Gantimpala
blog : Aspectos de Hitokirihoshi



Gumigilid-gilid, sumisirit

I
Binili akong maganda ang postura.
Kahali-halina sa kanyang  mga mata,
Pero pagkatapos gamitin ako'y dinispatsa.

II
Siguro nga itinadhana akong ganito
Kaso sana inayos niya ako
Hindi iyong ipinatong sa bato.

III
Tuloy ako'y inilipad ng hangin
Ipinadpad doon sa malayong bangin
Pinagtripan ng mga insektong gutumin.

IV
Mabuti na lang may paraan
Makakaganti ako sa kanyang kasamaan
Pagka't heto na ang ulan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Tula - Finalist 4

Panaghoy ng Inang Kalikasan
blog : Animus

I
BIYAYA AT PANGAMBA
Sariwang hangin inyong damhin
Yakap na malamig kayo’y babalutin
Sa bawat ihip ginhawa’y dala
Nawa’y hindi ito ang huli, aking pangamba.
Dalisay na tubig inyong lasapin
Uhaw at init ay papawiin
Sa bawat patak handog ay ginhawa
Nawa’y hindi ito ang huli, aking pangamba.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Tula - Finalist 5

Sa Bundok Ng Monte Cristo
Blog : 2Rivers


Tula I: Ang Pakikipagsapalaran Nina Sirena Urduja at Arkanghel Miguel

He: O binibini na karagatan,
Nais ko sanang malaman,
Maari ba –
Anak ng pating, ano ‘yan?!

She: Ay, hihihi,
Nagulat ka sa aking ka-eyeball?
We’re just Facebook friends,
Ang  kanyang ina ay dalagang bukid,
At ang kanyang ama ay sugpo!

He: Hinahanap ko ang Atlantika;
May siyokoy doon, oras na niya,
Pasaway kasi, lagot siya!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Tula - Finalist 6

Tatlong Tula Sa Kalikasan
blog : Breathing the SSDD Mantra

I

Hayaan mong maglakad ako sa kamison ng iyong buhanginan,
idausdos ang mga sakong na pagal at puno ng pighati.
Ihihimlay ko ang isa’t kalahating buntung-hininga sa
iyong puson, sa lumalagaslas mong alon. Pahintulutan
mo sanang makipagniig ang mga luha ko sa tubig mong
maalamat ang alat. Kung paanong dalawang higante ang
doo'y nagbatuhan ng sandakot na asin; at ang tubig mong
tabang ay naging kulay bughaw na nakapagpapakulubot
ng mga labing sabik sa iyong kariktan. Lulusungin ko
nang hubo't hubad ang itinatago mong yaman at doo'y
sasalubungin ako ng iyong mga isdang mangingiliti sa
aking pagkatao. Ang mga malalanding labi'y hahalik sa
aking mga binti, sa aking dibdib, sa utong kong
kulay rosas, sa tite kong nangunguluntoy sa iyong alat.
At manunumbalik ang aking sigla, ang buhay na walang pag-asa.
Kakatagpuin ko ang mga maharot na sirenang nagkukubli
sa iyong mga batong liblib. At sila'y mag-uunahan sa
pagsuklay ng aking basang buhok, aawitan ako ng mga
nilimot na alamat ng mga manlalayag na nabihag ng kanilang
kagandahan, ng mga kalalakihang nilambat ang kanilang
mailap na mga puso, ng mga barkong nagtatago sa kaibuturan
ng iyong puso tangan ang isanglibo't isang gintong barya.
Mamumulot ako ng mga mahiyaing kabibe at iaalay sa
palad ng babaeng pinakamamahal. At lalandiin ko ang
kaniyang mga labi ng aking dilang nalasap na ang asin
ng iyong tubig. Kasabay ng paglagaslas ng iyong maharlikang
alon, kasabay ng pag-awit ng mga ibong natatanaw mo sa kawalan,
ng pagpapailanlang ng mga ulap na nasasalamin sa iyong
banayad na tubig, siya at ako ay mamamanata.
At ikaw ang magiging piping saksi.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Kwentong Pambata - Finalist 1

Ang Kaharian ng Kawayan
blog : Maskara


May apat na magkakaibigan sa kuwentong ito, sila Malikh Malikhain, Lino Matalino, Sinang Usisera, at si Kaloy Makakalikasan.
Si Malikh, ay kilala sa paggawa ng mga bagay na mapakikinabangan, kaya nga lang ay nasasayang ang ilang bahagi ng mga bagay na ginagamit niya, halimbawa: kung nais niyang gumawa, pumuputol siya ng isang buong puno para makabuo ng isang kuwaderno.  At hindi niya pinapalitan ang mga punong kanyang pinuputol.
Si Lino naman ay marunong gumawa ng paraan sa mga bagay bagay, ngunit madalas siyang mag aksaya ng tubig, katulad ng sa paglilinis, ay hinahayaan lang niyang umaapaw ang tubig sa kanyang baso, o ang kanyang balde at nasasayang ang mga ito.

Kilala sa pagiging matanong si Sinang, mahilig siyang mag usisa sa mga bagay na ginagawa ng kanyang mga kaibigan o kahit sinong tao na gusto niyang makaalam ng bagong impormasyon.

At si Kaloy naman ay nakilala sa kanyang pagiging masinop, at mapag-alaga sa kalikasan.

Isang araw, may isang diwata ang nagpakita sa apat na magkakaibigan.  "Kailangan ko ang inyong tulong!!!" wika niya, "Ako si Diwatang Pina mula sa Kaharian ng mga Kawayan, sa aming kaharian, ay mayroong nagbabadyang panganib! -Si Bondoy, ang isang halimaw mula sa karagatan ay nagbabadyang atakihin ang aming mumunting bayan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Kwentong Pambata - Finalist 2

Ang Regalo ko kay Mama
blog : Princess Nins' Blog : Words from a Princess

“Birthday na ni Mama bukas!” sabi ni Noel habang tinitingnan ang kalendaryo. “Ito na ang panahon para i-lechon si Piggy!”

            Binuksan niya ang kanyang cabinet kung saan nakatago ang kanyang alkansyang baboy. “Piggy, kukunin ko na ang ipon ko, ah. Bibili ako ng regalo kay Mama ngayon.”

            Nang bilangin niya kung magkano ang naipon niya, nasiyahan siya dahil sobra pa iyon na pambili ng daster ng ina. Lumabas siya ng kwarto dala ang ipon niya at nagpaalam sa ina, “Mama, labas muna po ako. May pupuntahan lang ako.”

            “O, sige Noel. Umuwi ka ng maaga,” ang sagot ni Aling Lyn na abala sa paglilinis ng kusina.

            Habang naglalakad, iniisip ni Noel kung paano niya sosopresahin ang ina bukas. Nais niyang mapasaya ito sa kaarawan nito.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Kwentong Pambata - Finalist 3

Bakit si Maya ang Napili
Blog : Lipadlaya


Kakatapos lang pumili ng bagong hari ng kagubatan. Tapos na kasi ang panunungkulan ng malakas na si Leon at ng matalinong si Kuwago. Lahat ng hayop, kulisap at ibon sa gubat ay nagkaisa. Si Maya ang kanilang napiling mamumuno sa kanila sa kabila ng kanyang kaliitan. Nagtaka tuloy si Elepante, ang pinakamalaking hayop sa gubat at siya ring pinakamahigpit niyang kalaban.

Tinanong ni Elepante si Baboy Damo.

“Bakit si Maya ang iyong napili?”

“Napili ko si Maya kasi tinuruan niya ako ng kalinisan,” tugon naman ni Baboy Damo.

“Pero ikaw ay baboy, ayos lang sigurong magdumi ka,” pangungutyang dagdag ni Elepante.

“Hindi ko nga iniisip dati ang maglinis pero nang minsang kumakain ako ng aking pagkain, nakita niyang madumi ang lugar na aking pinagkainan, tinuka niya ang mga natapong pagkain, at nalinis pa ang aking tahanan. Simula noon, natuto na akong maglinis ng kapaligiran,” paliwanag ni Baboy Damo at si Elepante ay kanyang tinalikuran.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Kwentong Pambata - Finalist 4

Luis Madungis
blog : Eloiski.com


Madungis at mabaho ang batang si Luis.  Hindi siya mahilig maligo.  Hindi siya mahilig magsepilyo.  Hindi nga rin siya nagsusuklay kung kaya’t ang buhok niya ay kaygulo.  Ang mga gawaing ito para sa kanya ay sagabal lamang sa kanyang  paglalaro.

“Luis Madungis” ang tawag ng mga kalaro niya sa kanya.  Kadalasan, ayaw makipaglaro ng mga bata sa kanya dahil sa mabaho niyang amoy.  Kung siya man ay isasali sa laro, ayaw nila siyang maging kakampi.  Lagi kasing natatalo ang grupo niya dahil sa kanyang pagkakamot.  Madalas kasi ang pangangati ng katawan ni Luis kung kaya’t madalas din ang pagkakamot.  Dahil dito, hindi siya msyadong makapokus sa kanyang paglalaro.  Bawat takbo, kamot.  Bawat talon, kamot. Bawat habol, kamot.
Sa kanilang tahanan, madalas siyang pinapagalitan ni Aling Sisa, ang kanyang ina.  Napakatamad kasing maligo nito.  Minsan, inutusan siya ni Aling Sisa na maligo dahil tatlong araw na itong hindi naliligo.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Kwentong Pambata - Finalist 5


Nang Matutong Magsaing si Jason
blog : Ang Alingawngaw ng Taribong...

Ibinuhol ni Lola Miling ang kurtina sa kuwarto para pumasok ang hangin at ang liwanag ng araw. Bumaling siya ng tingin kay Jason na nakaharap sa computer. Tumingin din ang binatilyo sa kanya.

“Lola, hindi ko po makita ng maayos ang screen.” May pagkabugnot na sabi ni Jason.

Hindi muna umimik ang matanda. Pinagmasdan ang apo, saka siya nagwika, “Jason, apo, maghapon ka na diyan. Hindi ka na tumatayo sa kinauupuan mula pa noong magising ka. Hindi ka na rin nag-almusal. Ano ba inaatupag mo diyan?”

“Dota po.”

“Assignment mo ba yan sa school?”

“Laro po sa computer. Sa internet po.”

“E, mula pa noong Huwebes ka naglalaro sa Dota na yan. Sabi ni mommy mo, naa-adik ka na raw diyan.”

Hindi sumagot si Jason sa tinuran ng lola. Ipinagpatuloy lamang nito ang paglalaro.
Dahan-dahang lumapit si Lola Miling kay Jason. Hinaplos niya ang ulo nito. Medyo napailag ang bata dahil ayaw nitong may humahawak sa buhok niya.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

DMCI Homes - Saranggola Blog Awards Official Sponsor


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Alta Vista De Boracay

Excited na ba kayo? Abangan ang listahan ng mga magwawagi.
Malapit na!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

POLL : New Name for Blogger Group

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS