2011 Saranggola Blog Awards
“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”
“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”
Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 3
TEMA : Laruan
Kategorya
1. Maikling kwento
2. Kwentong pambata
3. Tula
4. Blog
5. Larawan (photoblog)
Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2011 – Oktubre 15, 2011
Awarding : Disyembre 17, 2011
Ang tema ng ating patimpalak sa taong ito ay Laruan. Paliparin ang kaisipan at humabi ng maikling kwento, kwentong pambata at tula na may kaugnayan sa Laruan. Maaaring bagay, simbolismo, katangian o kahit anong atribusyon sa laruan.
Kalahok
- Filipino citizen, 18 years old pataas
- nasa loob o labas ng Pilipinas
- matagal na o baguhang Blogger
- Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2011.
- Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.
Kategorya
Pagsulat ng Tula
- Gumawa ng isang tula na may temang LARUAN.
- Maaaring may sukat, maaari ring malaya, kahit gaano kahaba.
- Ipost bilang isang blog entry.
- Ang pamagat ng tula ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng tula na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.
Maikling Kwento
- Kahit anong paksang may kinalaman sa LARUAN o atribusyon sa laruan.
- Blog na magpapapakita ng pagkamalikhain at mag-iiwan ng aral sa mambabasa.
- hinihikayat na hindi hihigit sa 3000 salita
- Ang pamagat ng maikling kwento ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng maikling kwento na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.
Kwentong Pambata
- Tatalakay sa kahalagahan ng laruan, paglalaro at mga kabutihan / pagpapahalagang ipapamalas nito.
- Para sa mga batang nasa edad 12 pababa
- hinihikayat na hindi hihigit sa 1500 salita
- May salitang angkop sa mga bata
- Ang pamagat ng kwentong pambata ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.
Kategoryang Larawan (pang photoblog)
1. Ang kategoryang ito ay magpapakita ng isang kuhang larawan ng laruan na magdadala sa imahinasyon at karanasan ng larawan.
2. Ang kuhang laruan ay kinakailangang makalikha o pumukaw ng kwento sa isipan. Isang larawan na bubuo ng kwento sa isipan ng mga makakakita.
3. Maaaring gumamit ng kahit anong klase ng camera.
- Ang pamagat ng larawan ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.
Kategoryang Blog (freestyle)
1. Malayang kategorya.
2. Ang kategoryang ito ay maaaring maglaman ng inyong personal na journal o sanaysay tungkol sa paksa. Maaari ring vlog, maaaring cartoons, sketch, o kahit anong midyum na magpapakita ng inyong kaisipan tungkol sa paksang LARUAN. Kung ang inyong paraan ng pagbablog ay wala sa mga nabanggit na kategorya, dito nyo sya isali.
3. Kailangan ay nasa wikang Filipino ang nilalaman.
4. Isinama ang kategoryang ito sapagkat sa loob ng dalawang taon ng SBA, may mga lumalahok sa kategoryang maikling kwento na hindi naman maikling kwento. Kadalasang nagkakaroon ng pagkalito sa paglikha ng maikling kwento at blog. Dito maaaring ilagay ang paraan ng pagbablog na wala sa mga kategoryang tula, maikling kwento, kwentong pambata at photoblog.
- Ang pamagat ng inyong lahok ang syang magiging pamagat ng blog entry – kinakailangang isulat sa baba ng ng entry na ito ay inyong lahok sa Saranggola blog awards 3 at nakalink sa www.saranggolablogawards.com.
Paraan ng Pagsali
- Ang lahat ng entry ay nasa Filipino. Maging ang pamagat ng larawan (photoblog) at Kategoryang blog.
- Kumuha at ibalik ang application form na may kasamang larawan (id picture) sa email address na bernardumali@gmail.com
- Tiyaking sa inyo ang ilalahok at hindi kinopya ng buo o kahit bahagi lamang ng ibang akda.
- Isang entry lang ang maaaring i-blog sa bawat kategorya subalit maaaring sumali sa lahat ng kategorya
- Kinakailangang bago ang lahat ng entries at hindi pwede ang naipost na sa inyong blog.
- Ipost ang inyong entry mula Setyembre 1 – Oktubre 15, 2011.
- Ang lahat ng entries ay ipopost din sa www.saranggolablogawards.com sa Oktubre 17, 2011 at nakalinkback din sa inyong blogsite.
- Lahat ng isasaling entry ay kinakailangan ding i-email sa organizer, kalakip ang application form sa bernardumali@gmail.com, dapat ay nakaattached o nakasulat sa word ang entry. Ang inyong entry na nasa word ang gagamitin o babasahin ng mga hurado sa pagpili ng mga magwawagi. Kung ito ay picture o video, kailangang I attached din at ipadala sa email na nabanggit. Lagyan ng subject na SBA entries
- Tiyaking parehas ang ibablog na entry sa inyong ipadadala. Hindi na maaaring i- edit o baguhin ang anumang entry na ilalahok.
- Ipaalam sa organizer kung sakaling magbabago kayo ng blog address.
- Kinakailangan ding ilagay sa inyong blog; maaaring sa loob ng blog entry o sa mga sidebar ang saranggola blog awards logo na nakalink patungo dito.
- Tinitiyak ng organizer na ang orihinal na may akda ay hindi mawawala sa pagkilala sa orihinal na gumawa ng entry/entries.
- Ang desisyon ng mga hurado ay pinal.
- Maaaring makasama ang inyong lahok sa paglathala ng mga nagwagi sa taunang SBA sa mga susunod na araw / taon. Hihingin ang inyong pahintulot sakaling buuin bilang isang aklat ang mga lahok / entries ng SBA.
- Ang Saranggola Blog Awards ay walang pananagutan kung sakaling ang mga akda ay napag-alamang kinopya lamang ng mga lumahok. Gayunman, kung mapapatunayan na ito ay hindi orihinal, agad na aalisin sa listahan ng mga kalahok at babawiin ang pagkilala sakaling manalo ang mga akdang hindi orihinal na ginawa.
Paano Pipiliin ang mananalo
- Ang lahat ay dadaan sa masusing paghusga ng ating mga piling hurado.
- Ang magkakamit ng pinakamataas na puntos mula sa mga hurado ang tatawaging Bloggaling.
- Magkakaroon din ng ispesyal o natatanging karangalan para sa magkakamit ng pinakamataas na puntos ng *Facebook like. Ito ang tatawaging Blogsikat
Karangalan
- Ang tatanghaling Bloggaling ay magkakamit ng
- recognition badge sa kanilang website / blog
- P5,000 cash
- special commemorative award
2. Ang mapipili namang Blogsikat
- recognition badge sa kanilang website / blog
- P2,000 cash
- special commemorative award
Ang mga magwawagi ay ipapakilala sa Disyembre 17, 2011.
*PAUNAWA : Ang Facebook at ang like feature nito ay walang kinalaman o responsabilidad sa patimpalak na ito. Ginamit lang ang like button para bilangin ang mga nasisiyahang mambabasa.
65 comments:
Pagplanuhan :)
Kaunahan pong dumalaw.... =)
good morning po.
application form kailan po available?
ayos! umpisa na ang Saranggola :)
Nagsisimula ng paliparin ang Saranggola....
Excited na ako! Hehe. Makasali na kaya ako sa pagkakataong ito? Hehe.
SANA!
Goodluck Kuya Bern! Goodluck sa lahat ng sasali.
nangangati na ko..
sana makasali ako. :D
good luck sa lahat!
Sayang.. Gusto ko sanang makilahok, kaso 18 years old pataas pa... Sayang naman. Anyway goodluck para sa mga magiging kalahok! Galingan n'yong lahat!
Bakit 18years old and above lang ang pwede? :|
nasa'n po 'yung application form?
Pwede ba ang Tumblr account?
@paw and J.alms, paemail sa bernardumali@gmail.com para maipadala sa inyo ang application form.
- pwede ang tumbler.
- kaya 18 years old pataas ay upang nasa legal na edad at hindi na kailanganin ng permiso ng magulang.
pede salihan ang 2 categories?
@khantotantra, oo pwede.
kahit ba 4 months pa lang na bloger pwede nang mkilahok...
Sir Bernard, about sa photos, dapat bang hindi edited? Thank you!
@palakanton : oo nasta may 3 posts na
@jhiegz : okay lang, mahirap naman talaga aralin kung ang larawan ay edited o hindi, ang importante sa kategoryang photoblog ay makapukaw sa isipan ng kwento mula sa larawan.
ayun oh!!!
ayon..may saranggola blog award na uli. sana makasali na ako.
sana sa susunod may kategoryang "sining" hehe.
Ito po ang entry ko sa "kuwentong Pambata" http://migzlagado.wordpress.com/2011/09/07/ang-alamat-ng-manika/
Ito naman sa tula. http://migzlagado.wordpress.com/2011/09/07/sulat/
Sana po magustuhan niyo.
wow.. exciting din para sa aming mga mambabasa..
napansin ko lang na may mga sumaling mga fable sa maikling maikling kwentong pambata. medyo nalito yata ang mga sumali.
Syempre sasali ako hahaha
ano po yung sinasabi niyong kumuha at ibalik ang application form?nguguluhan kasi ako
Hi emmanuel,
email mo ko sa bernardumali@gmail.com para maipadala ko sayo ang application form.
Sa photoblog, bawal bang lagyan ng caption ang photo entry? Thanks!
@jag, pwede namang lagyan ng caption.
eto po un entry ko sa litrato/photoblog
http://palakanton.blogspot.com/2011/09/laruan-tansan.html
makikilahok po ako! hihihi
eto po kwentong pambata ko kuya berns
http://jasonhamster.wordpress.com/2011/09/12/gundam/
Hello po! Na isend ko na po sa email ninyo ang Entry ko - maikling kwento , kasama na po ang application form and photo.
Ask ko lang po, kailan ko po pwedeng i post sa blog ko?
ito po email ko: jondmur@gmail.com
Hello po! ito na po ang link ng entries ko - http://www.jondmur.com/2011/09/sba-entries-regalo-sa-araw-ng-pasko.html
Na send ko na rin sa email - jondmur@gmail.com
Salamat po!
Jondmur
best luck sa mga magsisilahok. Sa mga susunod na sigurop ako sasali :)
Hello! Nagpasa din ako ng entry para sa kwentong pambata - na send ko na po sa email.
Si Buknoy, Ang Batang Manika
Thank po!
Hello, gusto kong sumali kaso wala pa po akong natatangap na e-mail. Di ba magsesend po ng e-mail sa bernardumali@gmail.com tapos kailangan ding magsend sa organizer? Ano po ang e-mail ng organizer? Sana makatanggap na po ng form hehe.
Mga sir, ask ko lang po kung pede na maipost at entry sa aking blog..
maraming salamat po & more power :)
Approve po ba entries ko?
HI! Paano po kapag I'm using tumblr? Paano po magsesend? Sorry, ignorante. Salamat po!
aww. sorry ngayon ko lang po nabasa. salamat po! alam ko na kung paano. more power! :)
http://maquoleet.blogspot.com/2011/09/trak-trakan.html#comments
eto po entry ko for maikling kwento... sana pa makapasok hehe
Sir benard, eto po ung link para sa kwentong pambata...
http://walangmagawasibanjo.blogspot.com/2011/09/si-ikoy-at-ang-kanyang-mga-laruan.html
salamat sir at more power :)
tanong po,... diba tagalog ang language na gagamitin, pero pede bang may sundot ng ingles sa dialogue ng tauhan para sa maikling wento. ahahah. silly question lang
wow! year 3 na pala ang sba! parang saranggola lang, namamayagpag! ngayon pa lang, congrats na ser bernard. paniguradong tagumpay na naman ang pakonteshit na 'to! \m/
Kuya..naibigay ko na po ung application letter tsaka entry ko.in email ko na po
kuya naisend ko na po sa inyo ung application form at entry ko pero bkit hndi pa rin po ako included sa listahan niyo para sa maikling kwento?
Narito po ang aking opisyal na lahok sa kategoryang Blog (freestyle)
http://joeyvelunta.blogspot.com/2011/10/ang-alaala-ni-batman.html
Salamat at magandang araw.
Sir, Pag hindi po ba nakatangap ng email/form ibig sabihin di po ba qualified? salamat po...
@pupsicle, baka hindi ko lang naiaadd pa. iemail mo ako ulit. or baka sa spam napunta
Hi Kuya Bernard! Gusto kong sumali kaso tanga ako. Paki guide naman ako please? Nagemail ako sa bernardumali@gmail.com para manghingi ng application form. Ganun ba ang gagawin? Hihi!
Sir Bernard, Nag e-mail po ako para sa application form. Di ko kasi makita sa site kung saan at paano mag download.
Thanks
http://polaris-kirsten.tumblr.com/post/11222329501
- ito po ang entry ko para sa kategoryang tula
http://polaris-kirsten.tumblr.com/post/11222331714
- at ito naman ang sa kategoryang blog
salamat po!
Sir bernard, nare-send ko na po muli...
ito po ung lahok ko para sa tula:
http://pupsicle10.blogspot.com/2011/09/laruang-handog.html
http://jasonhamster.wordpress.com/2011/09/14/nasaan-si-barbie/
kuya berns eto po maikling kwento ko
-jason de guzman
maikling kwento http://www.damuhan.com/2011/09/bangkang-papel.html
Pamagat: Laruan ng Puso
Kategorya: Tula
Link: http://simplysaycheese.wordpress.com/2011/10/12/laruan-ng-puso/
May-Akda: JC Elorde / cheesecake
@cheese, paki email sa akin ang iyong application form, picture at entry
Sa kategoryang tula
http://joeyvelunta.blogspot.com/2011/10/ang-puso-nyang-salawahan-at-ang-puso.html
joeyvelunta
Sir, napadala ko na po ung entry ko, baka mapunta ulet sa Spam :)... Thanks!!
Hello there, Na isend ko na po sa email ninyo ang Entry ko na larawan(photoblog) kasama na po ang application form and photo.
http://www.axlppi.com/2011/10/ang-lego.html
God bless yah..
Magandang araw. Narito po ang aking lahok sa kategoryang Photoblog. Naipadala ko na rin ito sa iyong email.
http://joeyvelunta.blogspot.com/2011/10/matayog-na-pangarap-sa-gitna-ng.html
Maraming salamat
http://taribong.wordpress.com/2011/10/15/ang-maskara-ni-batman/
(lahok sa kuwentong pambata)
http://taribong.wordpress.com/2011/10/15/naglalaro-ba-ang-tadhana/
(lahok sa maikling kuwento)
kuya, nag-email ako... hahabol ako tnx
Ito po yung entry ko sa kategoryang tula: "Magpakatotoo Ka", Barbie
http://jigzmoreinfo.blogspot.com/2011/10/magpakatotoo-ka-barbie.html
Hinihintay ko pa macomplete ung loading ng inattached kong files sa email, sana masend ko before 12AM...today :(
Weee! Nakahabol ako.. ang saya saya palang sumali kahit di mo alam ang chances na mananalo ka.. hahaha.. :)
ito na po ang aking lahok sa tula: Ang Tinig ng Laruan ipinost ko noon setyembre 15,2011, at sa kategoryang blog freestyle: Ang hiwaga ng salitang laruan ipinost ko kahapon,oktubre 15,2011.....
http://tulangtagalogsamindanao.blogspot.com
ayun. tapos na ang deadline pero di ako nakapag-submut. gayon pa man...gusto kong batiin ka bernard dahil matagumpay muli ang patimpalak mong ito.
mabuhay ka at sana'y ipagpatuloy mo ang iyong adhikaing ito.
Post a Comment