"Aginaldo"
Kategorya : Tula
blogger : tagabundok
blog : Animus
Isinilang ng mapaglarong isipan
Mula sa sulok ng pangarap at gunita
Sa imahinasyong nagpumiglas hinulma
Sa kalyo ng mga palad ay kumawala.
Mula sa sulok ng pangarap at gunita
Sa imahinasyong nagpumiglas hinulma
Sa kalyo ng mga palad ay kumawala.
Nililok buhat sa pawis at tiyaga
Ngawit at pagod ay di alintana
Nabuong piyesa'y napagtagumpayan
Sa kahong may palamuti'y sinilid na.
Ngawit at pagod ay di alintana
Nabuong piyesa'y napagtagumpayan
Sa kahong may palamuti'y sinilid na.
Inihandog sa musmos na isipan
Sa rurok ng munting pangarap ginunita
Naghuhumiyaw na kaligayan kumawala
Sa pinong kutis ng bata'y nanahan na.
Sa rurok ng munting pangarap ginunita
Naghuhumiyaw na kaligayan kumawala
Sa pinong kutis ng bata'y nanahan na.
Pawis at tiyaga'y may ngiting sukli
Yakap na mahigpit sa kanya'y ginanti
Dibuho ng ama't anak ay di maikubli
Higit pa sa laruan ang kanyang hinabi.
Yakap na mahigpit sa kanya'y ginanti
Dibuho ng ama't anak ay di maikubli
Higit pa sa laruan ang kanyang hinabi.
0 comments:
Post a Comment