RSS

Nasaan si Barbie? - Maikling kwento

"Nasaan si Barbie?"
Kategorya : Maikling Kwento
blogger : Jason De Guzman


Alas Onse ng gabi, ang oras na dapat natutulog na ang mga bata. Tahimik na rin sa may  plaza at kalsada.

Ngunit iba ang sitwasyon sa bahay nila Jenny.

“Ay kalabaw!!! Nasaan si Jenny?” Sigaw ni Aling Pasing, ang nanay ni Jenny na tila naalimpungatan.

Pok! Pok! Pok!

“Aba’y hindi ko alam Pasing! Kita mong nag-aayos ako ng paa ng mesa natin. Hala sige at hanapin mo.” Sagot ni Mang Kardo sa asawa habang nagpupukpok gamit ang lumang martilyo.
Dali-daliang bumangon mula sa pagkakahiga si Aling Pasing, nagsuot ng daster at tuluyang lumabas ng bahay para hanapin ang anak.

“Jenny!!! Jenny!!! Jenny!!!” Walang patid ang pagsigaw ni Aling Pasing sa pangalan ng kanyang pinakamamahal na anak. Si Jenny, walong taong gulang, maganda, makinis, at balingkinitan ang katawan.

Ipinagtanong na ni Aling Pasing sa mga kapitbahay kung sino man ang nakakita sa kanyang anak ngunit wala. Wala siyang nakapalap na impormasyon.

Samantala, sa isang madilim na eskinita…

“Tara  ineng, maraming magagandang laruan sa pupuntahan natin.” Wika ng tambay habang hawak nito ang kanang kamay ni Jenny.

“Talaga po? Pero gabi na po. Baka hinahanap na po ako nila inay at itay. Okay na po sa akin itong barbie doll ko.” Nangangambang sagot ni Jenny habang hawak naman sa kaliwang kamay ang kanyang manika.

“Basta. Sumama ka na sa akin. Maglalaro tayo. Diba iyon ang gusto mo, maglaro ng maglaro?” Nakangising sabi ng tambay.

“Uuwi na po ako!!! Ang dilim-dilim dito!!! Sigaw ni Jenny habang sinusubukang magpumiglas sa pagkakahawak ng tambay.

“Bwahahahahaha!!! Hindi ka pwedeng umalis. Nandito na tayo!” Tuwang-tuwang sabi ng tambay habang inihahagis si Jenny sa loob ng abandonadong klinik.

“Aray ko!!! Huhuhuhuhuhu!!!” Walang patid ang pag-iyak ni Jenny.

“Heto na ko… Hahaha!  Jackpot talaga ko….. Bwahahahahahahah”. Sabik na sabik na 
pananakot ng tambay para gawin ang maitim na balak.

“EeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeekkkkkK!!!!” Sigaw ni Jenny.

Walang nagawa si Jenny. Naloko na. Tuluyang naisagawa ng tambay ang kanyang maitim na balak.

Kinabukasan… Nakita ng mga tao si Jenny sa lumang klinik, tulog na tulog. Parang walang nangyari, maliban sa ito’y hubo’t hubad. Agad naman itong ipinasuri sa doktor at nalaman ng lahat pati na nila Aling Pasing at Mang Kardo na si Jenny ay nabiktima ng panggagahasa…
Samantala, sa loob ng bahay nila Jenny…

“Diyos ko… ang anak ko… anong nangyari sa anak ko….” Patuloy ang paghikbi ni Aling Pasing habang hinahaplos ang buhok ng kanyang anak at inaakap ng mahigpit. Tila may halong pagsisisi dahil sa kapabayaan nito noong nakaraang gabi.

“Di ko mapapatawad kung sino man ang bumaboy sa anak ko. Magbabayad siya!” Galit na galit na sambit ni Mang Kardo na hindi malayong makapatay ng tao alang-alang sa hustisya para sa anak.

Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ni Jenny.
Ngunit patuloy naman ang pag-agos ng luha nito na pinupunasan niya gamit  ang kamay para mapawi agad.

Lumipas ang isang linggo bago nanumbalik sa ulirat si Jenny. Na-trauma ang bata sa nangyari. Tuwing gigising sya sa umaga ay hinahanap nya ang kanyang Barbie Doll.
Araw-araw na pagbangon sa umaga…

“Nasaan ang Barbie ko? Maglalaro pa tayo Barbie!! Nasaan ka na!!!” Pag-aalalang paghahanap ni Jenny.

Walang palyang ganito ang eksena sa kanilang bahay tuwing umaga. Hindi naman ito pinansin ng mga magulang nya… sa halip ay binibilihan pa rin siya ng iba’t ibang manika ngunit hindi ito pinapansin ni Jenny.

“Si Barbie ko? Nasaan si Barbie ko?” Parang tulalang nagsasalita si Jenny habang akap-akap ang kanyang malaking unan.
Pagkalipas ng labinlimang taon…

“Anak, pakiabot nga sa akin ng medida sa tool box kong may mga karayum at sinulid. Matatapos na kasi itong hinahabi kong damit para sa kliyente kong intsik.” Pakiusap ni Aling Pasing sa anak.

“Sandali lang po Inay, tatapusin ko lang po itong hinihiwa kong mga gulay.” Andyan na po….” 
Sagot ni Jenny sa kanyang inang nananahi.
Isiniksik muna ni Jenny ang kutsilyo sa bulsa ng kanyang apron, at iniwan ang kanyang inihahanda para sa pagluluto. Pumunta siya sa kwarto ng kanyang ina at kinuha ang tool box. Ngunit bago makapunta pabalik patungo sa inay niyang nasa sala…
May nakita si Jenny na mamang nakatingin sa kanya mula sa bintana. Isang lalaking medyo may edad na. Parang pamilyar sa kanya ang mukha nito. Agad siyang lumabas ng kwarto para iabot kay Aling Pasing ang tool box.

“Salamat Jenny… Teka… Jenny! Yung tool box! Saan ka pupunta! Bumalik ka dito Jenny!” Sigaw ni Aling Pasing ngunit tila nagmamadaling yatang magkalad si Jenny at nilampasan lamang sya.

Sa may gilid ng bahay…

“Tara Jenny… punta tayo sa bahay ko, may ipapakita ko sayo, galing Saudi. Mga alahas. Mahilig ka sa mga alahas diba?” Tanong ng mama na tila nang-aakit.

“Talaga? Marami? Wow… Sige nga. Puntahan natin.”  Walang pag-aalinlangang sagot ni Jenny.
Tinahak nila Jenny ang mga daan papuntang plaza, pamilihan at ang eskinita…

“Nandito na tayo. Halika tuloy ka sa bahay.” Pang-aalok ng mama kay Jenny.
Ang bahay ay medyo may kaliitan, tahimik at medyo mainit. Pagkapasok ni Jenny ay isinara kaagad ng mama ang pintuan.

“Hahahahahahaah!!! Hindi mo ba ko nakikilala? Ang dali mo namang mauto!!!!” Sabik na sabik ang hitsura ng mama. Dahan-dahang lumalapit ang mama kay Jenny.

“Wag po… Wag po…. Wag po…” – Natatakot na sigaw ni Jenny habang papaatras ito sa pader.
Lumapit na ang mama kay Jenny. Hinawakan sa kamay. Hinaplos sa buhok. Ngunit sa isang iglap ay muling natahimik ang paligid. 

Kaagad kasing kinuha ni Jenny ang kutsilyo mula sa kanyang apron at isinaksak  sa hita ng mama. Inilapit naman ni Jenny ang kanyang bibig sa tenga ng mama at may ibinulong ito…

“Kilala kita. Ikaw yung tambay na nambaboy sakin nung bata pa ko. Buti naisipan mong dalawin ako sa bahay namin. ”  Nakangiti si Jenny na parang nasisiyahan ng bahagya.
At isang saksak pa sa kabila namang hita. Napaluhod ang mama na dating tambay na nanggahasa kay Jenny.

“Arrrrrrrrrrrrrrghhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh” Sigaw ng mama na halos mamilipit sa sakit.

Habang namimilipit sa sakit ang mama, naglakad papalabas ng bahay si Jenny. Ngunit bago pa man makalabas ang dalaga…

“Akala mo makakatakas kang babae ka!” Mahinang sambit ng mama habang hawak ang kanang paa ni Jenny ng pagkahigpit-higpit.

“Bitiwan mo ko!!! Animal ka!” Sagot ni Jenny sabay hablot ng plorera sa mesa at inihataw sa ulo ng mama. Hindi man nabasag ang plorera ngunit ito naman ay ikinahimatay ng huli.
Pagkatapos nito ay lumabas na si Jenny at ikinandado ang pintuan. Pagkalabas ay tumingin siya sa kaliwa… at tumingin sa kanan. Ayos. Walang ibang tao sa paligid. Agad siyang bumalik ng kanyang bahay.

“Anak!!! Saan ka galing?” Nagtatakang tanong ni Aling Pasing.

“Hihihihihi dyan lang po mama. Babalik din po ako.” Nakangiting sagot ni Jenny na patuloy sa pag-akyat patungong kwarto.

Kinuha ni Jenny ang kanyang malaking unan, hinaplos-haplos ito at kinausap sa napakahinang tinig na tila ay may ibinubulong. Inakap niya ito ng mahigpit.
Bumaba ng kwarto si Jenny at lumabas ng bahay na hindi man lang nagpaalam sa ina.
Muling bumalik si Jenny sa bahay ng mama. Pagkabukas ng pintuan…

“Gising ka pa ba manong? hihihihihihi” 

“Aray ko… Ang sakit… Jenny Patawarin mo na ako.. Teka… Anong gagawin mo sa akin? Ano iyang mga dala mo?” Dumadaing sa sakit mula sa natamong dalawang sugat sa magkabilang hita ang mama.
Isinara ni Jenny ang pintuan at ikinandado. Kinuha ang kutsilyo at unti-unting hiniwa ang kanang hita ng mama.

“Ginawa mo na palang bahay itong lumang klink anupo?” Pang-aasar na sabi ni Jenny habang hinihiwa ng maigi ang hita ng mama.

“Argggghhh!!! Wag!!!!” Pagmamakaawa ng mama.
At isinunod ni Jenny ang kaliwang paa.

“Parang awa mo na!!! Wahhh!!!!” Walang patid na pagsigaw ng mama. Halos magdeliryo ang mama sa sakit.
Inilapit ni Jenny ang kanyang bibig sa tenga ng mama at mayroong ibinulong…

“Shhhhh…. wag kang maingay… baka magising si barbie ko… malapit na kaming magkita.”
At isinunod namang hiwain ang kanang kamay ng mama.

“AHHHHHHHH!!!!!!! WAHHHHHHHHHHHHHH!!! Huhuhuhuhuhu” May halo ng iyak ang pagsigaw ng mama.

Sumunod ay ang kaliwang kamay ng mama.

Unti-unting humina at nawala ang pagsigaw at pagdaing ng mama, hanggang sa ito’y binawian na ng buhay.

Katahimikan…

Bigla syang napalingon sa mesa at may nakita syang jungle bolo at nagwikang…

“May malaking itak ka pala dito manong, pinahirapan mo pa ko sa paggamit ng kutsilyo.”
Nabasag ang katahimikan sa pagtawa ni Jenny ng mahina, at papalakas ng papalakas.

“Haha. Hahaha. Hahahahaha!!!”

“Barbie, magkikita na tayo ulit. Siguro, siguro… malaki ka na rin ngayon tulad ko. Kaya heto….” 
Pabulong na sambit ni Jenny sa sarili na tila may kausap ito.
Kaagad na kinuha ni Jenny ang unang malaki sa sahig na kanyang dala kanina, ang karayum at sinulid sa tool box, at ang pira-pirasong paa’t kamay ng mama. 

“Hayyyy…”

Pagkatapos magbuntong hininga, tinahi ni Jenny sa unan ang mga kamay at paa ng mama na parang bumubuo ng malaking manika. 

“Barbie doll ko, ayan na malapit ka ng matapos. Makakapaglaro na tayo ulit. Hehehe. Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ilang taon kong tiniis na wag makipaglaro sa ibang mga manika para lang sayo. Nakikita mo ba yang si manong? Siya lang naman ang nagnakaw ng  kabataan ko.”

“At para makumpleto ka na Barbie…”  Nakangiti at naluluhang sabi ni Jenny. 

Kinabukasan…

May natagpuang lalaking katawan at ulo na lamang ang natira, isang kagimbal-gimbal na unan na may nakatahing mga kamay at paa, at babaeng pugot ang ulo. 




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment