RSS

Pamamangka - tula

"Pamamangka"
Kategorya : Tula
blogger : Arcenemy




Papalaot na ako.
Kasama ko sa aking pag-alis
ang lahat ng ating mga alaala.
Ang pagtatakbuhan natin malapit sa batis
habang inaanod
ng rumaragasang tubig
ang ating mga bangkang papel.

Mabilis na ang pag-agos ng tubig
kaya kasama ng ating mga naglahong pangarap
ay aalis na ako at sasabay sa agos
ng masakit na mundo.
Parang noong hinahabol natin
ang mga bangkang papel
hanggang hindi na natin ito matanaw.

Unti-unti na akong nilalamon
ng mapanghamong tubig
na sumisira sa aking sistema.
Sana ay kasama kitang maglalakbay
na kahit lumubog ang lahat
ng ating mga pangarap
ay kasama kita.

Ang aking pagpalaot
ay nauwi sa masaklap na pamamaalam
dahil hindi kita kasama.
Sana maaari tayong gumawa
ng bangkang 'di papel
para naman magkasama na tayong
magpakalayo-layo.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment