"Halaga"
Kategorya : Tula
blogger : Kuya Keith
blog : Gusot Mayaman
Sa ika-limang Pasko mo ako’y nakamtan
Mula sa kulambo sa ibabaw iniwan
Si Santa daw ang nagbigay sabi ni inay
Ngunit si itay pala ang sadyang nag-alay
Nang buksan sa pagkabalot agad niyakap
Walang katulad ang unang halik at yakap
Sana’y mahalin at alagaan nang tunay
Pangako ako ay sayo pang habang-buhay
Sa mga kalaro ako’y pinakilala
Pinakamagandang laruang ‘yong dinala
Bigkas ng bata mula sa labi at laway
Sa aking tabi ay tila ayaw mawalay
Ngayong binata ka na, san ako pupunta?
Ang dala-dala kong saya ay nalimot na
Kung maaari ako’y sa bata ibigay
Upang ibalik tunay na halagang alay
0 comments:
Post a Comment