"Laro ng Pag-ibig"
Kategorya : Tula
blogger : Gracia Amor
blog : Diary ni Gracia
Kung ang pag-ibig ay isang laro
Sapat na bang ito’y itulad ko sa Ahedres
Kung saan hindi lang ako at ikaw ang may pang-unawa.
Kung ang pag-ibig ay Ahedres
Ating laruin kahit saan at kalian naiisin.
Hindi kuwestiyon ang edad, kasarian at propesyon.
Pagka’t ang aspeto’t panununtunan ay hindi kaila sa iba.
Kung ang pag-ibig ay Ahedres
Layunin ko’y ikaw ay mabitag
Pagka’t di ko nanaisin ikaw ay muling gumawa
ng galaw palayo sa akin.
Sa ganitong paraan, alam kong ako’y nagwagi.
3 comments:
job well done!
galing... pero paano kung maging stalemate?
oh my well done sis!
Post a Comment