RSS

Laruang Handog sa Balikbayan Box - maikling kwento

"Laruang Handog sa Balikbayan Box"
Kategorya : Maikling Kwento 
blogger : Eoz
blog : Pupsicle


Noon pa man ay ninais na ni Tatay Jose and pagbigay ng laruan sa kanyang tatlong anak na sina Juan, Nena at bunsong anak na si Pedro. Nag ipon si Jose upang makabili ng isang magandang laruan para sa kanyang mga anak. Isang PSP para sa kanyang panganay, manika para kay Nena at laruang sasakyang de remote control para kay Pedro.

Makalipas ng ilang buwan ay nabili din ni Tatay Jose ang mga laruan iyon para sa kanyang mga anak. Iniisip nyang tiyak na matutuwa ang kanyang mga anak sa laruang handog na kanyang ibibigay. Agad agad nyang isinama sa Balikbayan box ang mga laruang ito kasama ang ibang gamit sa bahay at para sa kanyang asawang si Maria.

Makalipas ng ilang linggo, natanggap nga ng pamilya ni Jose ang kanyang pinadalang balikbayan box. Tulad nga ng naiisip ni Jose, masayang masaya ang kanyang pamilya sa kanilang mga natanggap na laruan. Agad na gumawa ng mensahe si Nanay Maria para magpasalamat at sabihing dumating na ang box kay Jose sa pamamagitan ng text. Gayundin ang ginawa ni Juan, sumulat ito sa kanyang ama at ipinadala bilang isang e-mail at ito ang kanyang liham.

Tay,

Maraming salamat po sa mga padala na gamit para sa bahay. Tiyak na matutuwa si ina. Salamat din daw sa mga padala mong laruan napaganda po nito. Kahit alam po namin na mahal ang mga bagay na ito ay tila pinag ipunan nio parin para sa amin.

Tay, salamat po sa PSP, pangako po na mag aaral muna ako bago maglaro. Ipapahiram ko din it okay Nena at Pedro. Ipapaalala ko din sa kanila na kumain muna bago maglaro o matulog muna sa tanghali bago ko sila hayaang maglaro. Hindi ko po ipagdadamot ang binigay nyo po sa akin. Salamat po.

Salamat din pala sa manika sabi ni Nena, iingatan daw nia iyon at meron na din daw syang maibabahagi sa kanyang mga kaibigan nya. Tiyak matutuwa din ang kanyang mga kalaro. Gayundin si Pedro, laking pasasalamat nya nung makita nya ang sasakyang de remote na iyong handog para sa kanya. Tiyak lagi nya ito ngayon hawak kahit sa kanyang pagtulog.

Tay, salamat po sa mga laruan. Lagi po naming iingatan ito lalo na galing ito sa iyong ipon para sa amin. Ingat po kayo palagi. Lagi nyo pong tatandaan na mahal na mahal ka namin higit pa sa anupamang bagay o laruan.

Nagmamahal,
Juan, Nena at Pedro

Noong nabasa ito ni Tatay Jose ay higit itong natuwa at lalo syang nakahugot ng lakas at inspirasyon para pagbutihin lalo ang kanyang trabaho para sa pamilya. Upang mag-ipon muli para sa pangangailangan ng pamilya at sa Isang simpleng laruang handog para sa kaligayahan ng kanyang mahal sa buhay.


o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o-o

Ang laruan na binigay sa atin ng ating magulang ay kanilang pinaghihirapan at minsan ay pinag iipunan talaga. Hindi lahat ng pamilya ay agad agad na nakakabili ng laruan. Kaya dapat natin pag ingatan at matututo tayong magpasalamat sa mga handog sa atin ng ating mga magulang, kapatid o sino man kamag anak.

Dapat din nating isa una ang pag aaral  bago maglaro o kumain muna ng nasa oras na hindi inuuna ang laro. Mahalaga ang pagkakain ng sama sama  sa pamilya. Dito nabubuo ang magandang relasyon sa bawat isa sa pamilya.


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment