"Di Bale"
Kategorya : Tula
blogger : Polaris-Kirsten
Pagkatapos gamitin,
Pagkatapos laruin,
Ako’y iiwan kung saan-saan.
Ayos lang, nasiyahan ka naman.
Pagkatapos laruin,
Ako’y iiwan kung saan-saan.
Ayos lang, nasiyahan ka naman.
Kung ako ay may damdamin,
Ako’y masasaktan.
Buti na lang at wala.
Patuloy kitang paliligayahin.
Ako’y masasaktan.
Buti na lang at wala.
Patuloy kitang paliligayahin.
Ngunit paano kung panahon ay dumating?
Ika’y tatanda at ako’y lilimutin.
Itatago sa tabi,
Mawawalan ka na nang pake.
Ika’y tatanda at ako’y lilimutin.
Itatago sa tabi,
Mawawalan ka na nang pake.
Darating din yon.
Pwede akong masira.
Maaaring ako’y iyong itapon.
Di bale, sa ngayon ikaw naman ay masaya.
Pwede akong masira.
Maaaring ako’y iyong itapon.
Di bale, sa ngayon ikaw naman ay masaya.
Di bale.. Basta’t ikaw ay masaya.
0 comments:
Post a Comment