RSS

Ang Manika - maikling kwento

"Ang Manika"
Kategorya : Maikling Kwento
blogger : Rainbow Box


Kulay abo at kumikintab ang mga mata ng manikang si Erika. Malamlam, subalit malaki at maitim ang bilog nito sa gitna. Perpekto ang pagkakahugis ng kilay. Makinis at may kalakihan ang kanyang mga pisngi. Mayroon siyang maliit na labi na kulay rosas kung saan pilit na sumisilip ang maliliit at mapuputi nitong mga ngipin. Porcelain doll yun na binili ni Daddy nung apat na taong gulang pa lamang ako. Nag-a-abroad kase ang Daddy kaya nabibilhan niya ako ng laruang gaya non. Hindi ako mahilig sa manika, pero laging iyon ang binibili ni Daddy para sa akin.

Nakaupo lamang si Erika sa may estante. Hindi ko ito pinaglalaruan kase sabi ni Mommy, baka mabasag ko daw iyon. Sa isip ko, ok lang, hindi ko naman talaga iyon gusto e. Nangungusap ang mga mata ni Erika at natatakot ako. Parang laging may gustong sabihin. Parang lagi akong tinititigan, laging humahabol ng sulyap sa bawat galaw ko. Para bang laging nakabantay. Ang weird nya.

*****

Walong taong gulang ako noon ng nagsimulang magtrabaho si Mommy bilang cashier sa isang department store. Bored daw kase siya sa bahay at mas maigi kung may extra income kami at hindi laging naghihintay sa padala ni Daddy. Malaki naman na daw ako, hindi na ako alagain masyado at pumapasok na sa school tuwing umaga kaya’t pwede na siyang magtrabaho. Hindi ko maintindihan ang punto ni Mommy, ayaw kong hindi sya nakikita sa tabi ko. Saka bakit pa nya kailangang magtrabaho kung nagbibigay naman sa amin si Daddy ng pera at nakakabili kami ng pagkain? Dapat kase hindi nalang. Dapat sa bahay nalang sya. Nakakainis naman si mommy.

*****

Naririnig kong nagku-kwentuhan ang Tita Ynes at ang Mommy sa may kusina. Pinsan sya ni Mommy. Kasama niyang bumisita sa bahay namin ang anak nyang si Kuya Jun. Malaki na si Kuya Jun. Halos kasing laki na sya ng Kuya ni Jena na bespren ko sa school. Eighteen years old na daw ang Kuya ni Jena sabi nya. Gustong gusto kong magkaroon ng Kuya. Only child kasi ako. Pag nakikita ko kung paano inaalagaan si Jena ng Kuya nya, inggit na inggit ako. Sabi ni Jena, ok lang daw na tawagin kong Kuya ang Kuya niya. Natuwa ako noon. Lagi syang may pasalubong na Mr. Chips pag nagsusundo sa school. Pero iba parin talaga kung meron akong sariling Kuya. Hindi yung nakikihiram lang ako ng Kuya sa iba.

Habang malakas parin ang tawanan nila Tita Ynes at Mommy sa kusina, napansin kong nakatitig sa akin si Kuya Jun. Ngumiti sya sa akin at nagabot ng limang pirasong chikito. Peyborit ko iyon kaya kinuha ko sa kamay nya. Malaki ang kamay ni Kuya Jun. Mabait pala siya, binibigyan nya ako ng pagkain kahit hindi naman kami naguusap. Lumabas si Mommy at Tita Ynes sa kusina at nakita kong may inabot itong sobre. Sabi ni mommy, dun na daw muna titira sa amin si Kuya, sya daw muna ang magaalaga sa akin dahil hindi pa daw kaya ni Tita Ynes na pag-aralin si Kuya ng kolehiyo. Magkakaroon na daw ako ng pansamantalang kuya. Natuwa ako.

*****

Pang-apat na buwan na ni Kuya Jun sa bahay namin ngayon. Nandoon sya sa sala at nanonood ng tv. Natatakot akong lumabas ng kwarto ko. Natatakot akong pumunta sa banyo para maglinis ng katawan kase dadaan ako sa sala kung saan nandoon si Kuya Jun. Nakita kong nakatitig sa akin si Erika na nakaupo parin sa may estante. Ngayon, mas natatakot ako kay Kuya kaysa kay Erika. Nakikita ko ang lamlam sa mata ni Erika. Gusto ko siyang kunin at yakapin. Pero natatakot akong lumabas sa kwarto ko.

Alam ni Erika ang lahat. Nakita nya.

Nakita niya kung paanong hinablot ako ni Kuya Jun isang araw habang gumagawa ako ng assignment. Nakakatakot ang mata ni Kuya noon. Mapula, nanlilisik, parang yung mata ng mga adik na napapanood ko sa tv. Hinawakan nya ako sa braso. Masakit. Mahigpit. Sabi nya wag daw akong maingay para hindi nya ako saktan. Hindi ako umimik sa takot. Nakatingin lang ako sa kanya pero naramdaman ko ang mainit na luha galing sa mata ko. Tinanggal ni Kuya Jun ang suot suot kong damit. Isa isa, dahan dahan. Hindi ako nakakilos sa takot. Hindi ako nanlaban. Mahigit parin ang kapit ng kamay ni Kuya sa akin. Alam kong nakatingin si Erika, nakasilip ang maliliit at mapuputing ngipin sa kulay rosas nitong mga labi. Parang may gustong sabihin. Hinawakan ako ni Kuya sa mukha at saka pinisil ang baba ko. Siniil nya ng halik ang labi ko. Masakit. Kinakagat ako ni Kuya Jun. Nakapikit ako sa takot habang alam kong nakatingin sa amin ang kulay abong mata ni Erika. Nakasunod sa bawat galaw na gagawin ni Kuya. Hinila niya ako papunta sa sofa, hindi ako makalakad sa takot. Parang nanigas ang mga tuhod ko. Hindi ko na alam kung paano maglakad. Natatakot ako.

Nakita ko ang mga butil ng pawis ni Kuya habang nasa ibabaw ko sya. Nadadaganan nya ang katawan ko. Masakit ang bawat paghawak at paggalaw nya. Gusto kong sumigaw at magalit… kay Kuya, sa pagnanakaw ng aking kabataan at kamusmusan, kay Mommy, na iniwan akong sa pangangalaga ni Kuya Jun, kay Daddy, dahil wala siya para ipagtanggol ako noong mga sandaling iyon… at kay Erika, na nanatiling nakatitig sa amin ni Kuya Jun.

Kulay abo at kumikintab ang mga mata ng manikang si Erika. Malamlam, subalit malaki at maitim ang bilog nito sa gitna. Perpekto ang pagkakahugis ng kilay. Wari’y laging nakabantay.

Mayroon siyang maliit na labi na kulay rosas kung saan pilit na sumisilip ang maliliit at mapuputi nitong mga ngipin. Wari’y may gustong sabihin.

Nandon parin si Kuya sa sala. Nanonood ng tv. Takot akong pumunta sa banyo para maghugas ng sarili. Ayokong makita nya akong muli.

Kung ilang beses akong nilapastangan at inabuso ni Kuya Jun sa loob ng apat na buwang pamamalagi nya sa bahay, tanging si Erika lang ang nakakaalam.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment