RSS

Muu - tula

"Muu"
Kategorya : Tula
blogger : Syngkit


Halos tatlong taon akong nagtrabaho sa ibang bansa
Malungkot dahil malayo ako sa aking pamilya
Ngunit kailangan tiisin upang kumita
Para pag uwi ko madami akong dalang biyaya

Isang araw nakatanggap ako ng regalo
Mula sa isang taong malapit sa puso ko
Isang stuff toy na malaki
Inabot nya sa 'kin ng may ngiti

Bansag ko sa bago kong laruan ay muu
Kahawig kasi ang kalabaw kapag malayu
Ngunit isa talaga syang reindeer
Na bumibida pag pasko kasama ni santa dear

Kapag break time nagpapahinga ako sa kwarto
Yakap yakap si muu hanggang sa makatulog ako
Minsan naman pagmalakas ang trip at walang magawa
Gamit ang aking kamera kukuha ako ng larawan naming dalawa
Sa kabila pangungulila na nadarama ko
At pagiging pagod sa trabaho
Pag si muu na ang katabi at yakap ko
Pakiramdam ko'y gumaan ng todo.




 



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment