RSS

Ang Liham ni Bestfriend - tula

"Ang Liham ni Bestfriend"
Kategorya : Tula
blogger : Kikomaxxx
blog : Kikomaxxx



Napakalamig...
Ang aking naransan sa ilalim ng iyong kama...
Kailan mo ba ako ulit yayakapin?
Kailan mo ba ako ulit lalaruin?
Sabik na kasi ako sa iyong mga mumunting bisig..
Sabik narin ako sa iyong napakatamis na halik..

Nag-aalala ako...
Di ka na ba natatakot?
Sa panahong madilim, diba ako ang iyong kayakap...
At sa panahong ikaw ay nangungulila ako ang iyang kasama..
Ngunit talaga na bang di mo na naaalala..
Dahil ngayong ikaw naman ang aking kailangan…
Parang ako naman ngayon ang takot at nag-iisa...

Sampung taon tayong magkasama...
Naalala ko pa nga ang iyong masayang mukha noong una tayong magkita...
Ang sabi mo pa nga "Bestfriends Forever" diba..
At sa kasiyahan maging sa kalungkutan ako ang iyong kasakasama...
Ngunit Bestfriend parang di mo na ako naaalala...

Di naman sa ako ay nagrereklamo...
Masaya nga ako at alam kong ikaw ay nagmatured na...
Di mo na ako kailangan dahil ikaw ay matapang na
Matapang na humahamon sa totoong buhay ng mag-isa
Na walang kinikilingang laruan katulad noong bata ka pa...
Ang sa akin lang, ay namimiss na kita...

Nagmamahal
Best Friend Teddy Bear

PS.
Huwag kang mag-alala kung mamimiss mo din ako... nasa ilalim lang ako ng kama mo
Nag-aabang at nakabantay palagi sa iyo :)

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment