"Sumpit"
Kategorya : Tula
blogger : the idiosyncratic
blog : the idiosyncratic
Pumitas ng sanga
sa ubod ng papaya
Buto ang binala
kalaro’y inasinta
Humigop ng sagana
at saka ibinuga
Nakatangang kasama
nasapul sa mata
Kilabot na ngawa
ng nabulag na bata
Ihing kumawala
sa gagong tumira
-The Idiosyncratic
Copyright 2011
All rights reserved.
0 comments:
Post a Comment