RSS

Ang Aking Palaruan - blog

"Ang Aking Palaruan"
Kategorya : blog / freestyle
blogger : Gracia Amor





Eto ang aking palaruan

Iba’t-ibang klaseng pag-uugali, nasyonalidad, katauhan, paniniwala, edad at kasarian ang aking nakakalaro dito at nakakasama. Makulay ang paglalaro dito at kapaligiran nito.


 
Minsan malungkot ngunit marami ang mas magandang pangyayari ang naganap dito sa aking buhay mga karanasan at aral na aking natutunan na nais ko maibahagi sa papasok sa tulad ng sa palaruang ito.
 
=======================
Dito ako dinala ng mahal na Itay. Dahil ito naman ang hiniling ko sa kanya at sadyang mahal niya ako kaya’t ito ay kanyang pinagkaloob ng buong puso.

Bago siya lumayo ay hinabilinan niya ako ng isang katamtamang laki ng lumang baul, na naglalaman ng mga lumang aklat, liham, ilang babasahin at ilang pirasong gintong sentimo na nakalagay sa munting lalagyan.




at kanyang biniling " gamitin mo ito anak sa tamang oras at panahon kung kinakailangan" mga salitang binitiwan niya at aking pinanghawakang maigi g ang kanyang binitiwang mga salita sa akin, bago siya lumayo ng tuluyan hanggang sa hindi ko na matanaw ito.

Kaya't ano't ano pa man ay ito na lamang ang pinanghawakan ko sa twina... Ang mga bilin ni Itay.



Nararamdaman ko naman kahit hindi ko siya nakakasama at nakikita dito sa aking palaruan ay damang-dama ko ang kanyang presensya at pagmamahal sa akin na lubos kong pinagpapasalamat sa mga mahinang bulong.


==========================
Sa aking palaruan na may mahabang panahong ubod ng init at sobrang lamig naman sa panahong tag-lamig naman, mas ubod ng saya ako sa panahon ng tag-lamig kay raming larong nagaganap sa ibat’ ibang parte ng palaruan, pati ang mga kasuotan at kasiyahan ay kabi-kabila din.




Habang ang mga araba naman ay nakakaasiyang pagmasdan sa ganda ng kanilang mga kasuotan.

Aking mga kalaro
Nasaksihan ko din dito ang karumihan ng ibang mga kalaro ko, ng mga ibat-ibang kapit-bahay ko. Nakakalungkot pa nga kung minsan dahil sila ang iyong kapit-bahay na dapat siyang magiging kalaro mo ng maayos ay siya pa ang makakasakit sa’iyo magiging dahilan ng aksidente sa mga palaruang gaya ng pag-akyat sa padulasan, duyan-duyan.


Andiyan ang itulak ka at awayin, ipahiya sa ibang kalaro mula sa malayong lugar, kaysa bigyan ka ng kamay para tulungan kang maka-akyat.

Meron ding mga kalarong, naglaro ng pag-ibig kung saan ay may mga kalarong minahal nang tunay ngunit may kalaro pa silang minahal din.


Hindi naman lahat, meron namang naging kalaro ako ditong kapit-bahay na mabubuti naman ang kalooban, dahil sa kami ay galing sa isang baranggay lamang nagkakilanlan ay may mabuti namang pakikisama sa pakikipag-laro ang binigay nito.


Nakasama ko din dito sa palaruang ito ang aking kapit-bahay na si Jasmine Kurdi, laki pala siya dito sa palaruang din ito. Mas maganda pala siya sa personal at nagpakita ng katapangan at taas ng kumpiyansa sa sarili. Napahanga ako sa kanyang pinakitang personalidad. Hindi basta-basta siyang papailalim sa ibang nasyonalidad na kalaro namin.


May mga naging Masaya din akong kalaro sa “trampoline”, dito buong kasiyahan kaming nag-laro ng sabay- sabay tumalon at nagsigawan sa kagalakan sabay ng paglundag. Nagpadulas at bumagsak sa mga iba’t ibang kulay ng malalambot na bola. Tunay na kay saya at hindi ko makakalimutan.



May mga naging kalaro na nagbibigay ng tsokolate, at iba’t ibang uri halos nito. Iba naman ay aking natamong gantimpala mula sa aking guro, bilang pagsunod sa kanyang utos.




May mga naging kalaro din akong nagpapasinaya ng pagmamamahal pero ang bulong ko sa sarili ko hintayin ko ang isasama ni Itay na mamahalin ako at ganun din ako.

 

Sa aking palaruan na halos kalapit ang paaralan










Dito naman makikita ang mga makukulay na at magagandang laruan. At hindi ko kayang piglan pa ang bawat mga paghanga dito. Makabago lahat at ang iba ay sa TV ko lamang napapanood, ngunit ngayon ay nasa aking harapan na sila na nagsasabing halika at makipaglaro ka sa amin.

Habang ang aking paboritong palaruan ay lugar kung saan ako makikitang palagi at abala ay may upuan at lamesa.


Sa bintana naman ng aking silid-aralan, matatanaw mo ang iba’t ibang uri ng panahon. . .kahit hindi umuulan ng niyebe sa labas at bagyong buhangin ang nalalasap. . .

Ano pa man, Ito pa rin ang panahon na nagsasabing maraming magandang bukas pa ang darating.



Kalapit din ng palaruan at paaralan ang dagat. Na aking pinag-papahingahan sa araw at oras na kailangan kong mag-isa sa hindi kalayuan sa aking mga kalaro din.





Sa silid silid –aklatan




Dito maraming aklat akong nakita mula sa buong mundo, may magandang lamesa para magsulat.

Dito ako natuto halos magbasa ng magbasa, unawain ang mga sinasaad dito ng mabuti. May mga paborito akong aklat ditto na lagi kong binabalik-balikan at paulit-ulit kong mga binabasa. Dahil gusto ko siyang itanim sa puso at isipan ko, naniwala din akong para maisapuso ang binabasa ay maka-ilang ulit mo itong basahin.

Makulay sa lugar na ito, maraming disenyo't tunay na nakaaliw.
Dami ko ditong natutunang mga aral, aral na halos tumatak sa aking puso at isipan. Mga aral na pinagtibay at sinubok ng panahon.

Dito ko din natutunan ang iba’t-ibang disenyo ng sining na naangkop sa aking kapaligiran.

Sa bintana naman ng aking silid-aralan ay aking natatanaw naman ang buong kapit-bahayan ng aking palaruan. Natatanaw ko din dito ang maganda at nakakabighaning sikat ng araw at paglubog nito.



Kasama rin sa aking karanasan sa aking palaruan ang pagkakaroon ng bagyong buhangin. Kaibang karanasan para sa akin, tila guguho na ang mundo sa pagdilim ng kalawakan sabay pagkalat ng buhangin sa kapaligiran, pero kasama itong magaganap sa palaruan aking ginagalawan na hindi pwedeng pigilan ngunit kailangan tanggapin at unawain.
Minsan ng nagkagulo sa palaruang ito, inakala kong matatabunan na siya dahil sa dumating na kalamidad na tila normal at parte na ng palaruang ito. . .Tunay na parang mahirap ipaliwanag, ngunit ito ay kasama sa kinalalagyan nito.

=======================

Sa paligid naman ng palaruan ay may mga bulaklak na tanim at mga halaman, na laging nagpapalala sa mga bilin ni Itay na damhin at samyuin ang mga ito minsan, dahil isa sila sa mga magagandang nilikha sa buong palaruan para bigyang oras kahit sandali na magbibigay karagdagan sa ganda ng buhay.







Walang buting hindi masasaksihan ni Itay sa kahit saang palaruan. Puso lamang ang sinasabing palagi ni Itay na may susi para tuluyang mabuksan ito sa tunay na pagmamahal para sa palaruang ito, para sa ibang kalaro natin maging sa kapit-bahay o taga ibang lugar.


========================



Nagbigay buhay din sa akin ang kalarong ito, na harapin at pagtibayan ang aking katauhan sa kabila ng mga hindi naayong pangyayari na paniwalaan ito at damhin sandali ngunit isiping ito ay panandalian lamang na mas mahalaga ang bigyang pansin ang kasiyahan dulot ng pagpapasalamat.

=====================


Ang Lampara


Habang sa aking paglilibot sa aking paaralan, dito ko nakita ang mahiwagang lumang lampara sa gitna ng silid aralang ito, may kakaiba siyang katangian Parang walang katotohanan sa unang tingin at sa malayuan pero maniwala ka lamang at manalig ka magkakaroon ng kaganapan ang iyong kahilingan.

========================
Matagal na din ako sa palaruang ito, dumaan na ang iba’t ibang okasyong espesyal na aking pinagpapasalamat na lamang.



======================
Sa hapag-kainan
Lagi kong inaalala pa din ang mga bilin ni Itay na sa pag-sapit ko sa palaruang ito, matuto akong paglingkuran ang aking sarili sa kadahilanang walang ibang mag-mamahal sa sarili kundi ako din lamang, kung kayat







=========================


Ang regalo ni Itay





Ako ay binigyan ng magandang laruan naman ni Itay, na lubos kong pinagpapasalamat. Nadaragdagan ang aking mga kaalaman sa laruang ito, nasasagot niya ang halos lahat ng aking mga katanungan. Ipinadala din ni Itay ang kanyang maliit na baul na lagi niyang ipnagbibilin sa akin, na aking buksan sa tuwina ako ay malulungkot.

Sa mabuting paganap ko sa palaruang ito, ako ay niregaluhan ni Itay ng mga bagay na aking nais. 





======================




At lahat ng oras ay tila nasa tabi ko lamang si Itay sa twing may oras na parang ayaw ko ng mag-laro ay nariyan lamang siya. Laging handa, naalala ko laging pinauunawa ni Itay na siya lamang ang dapat kong lapitan at tawagin anuman ang nais sabihin ng aking puso.

=======================




Kaya naman sa oras ng pananatili naman, malayo pa sa aking pinto ng aking silid pahingahan, bawat hakbang ko ay aking pinagpapasalamat.



======================
Nagpapasalamat ako kahit simpleng mga pagsusulat ko sa aking tala-arawan ay nakakatulong sa ibang tao, akayin sila sa kanilang landas patungo sa nais ng kanilang puso.

Pasalamat at maging masayahin sa lahat ng biyayang aking natatanggap maging simple man o malaking bagay, espesyal man o pangkaraniwang bagay lamang, nakikita o nararamdaman ay parehong pagpahalaga ang aking ibinibigay.




dito ko naman sinasariwa ang lahat ng alaalang nag-bigay tibay sa aking pagkatao. Lagi kong pinag-diriwang ang mga sandaling pinagpapasalamat ko dahilan sa lahat ng oras at araw ay maganda ang nagaganap.

======================




Masaya ako sa aking silid-tulugan dahil, sa labas nito ay may balkonaheng natatanaw ang buwan at ang bituin sa kalangitan na nag-aayang tanawin sila ng walang kapaguran. Isa ito sa mga paborito kong gawin sa aking silid-tulugan ang tanawin sila ng humigit-kumulang sa isang oras. Nakakapag-pagaan sila ng kalooban at isipan.


=======================



Ang ngiti sa buhangin ng palaruang ito ay nag-dulot sa akin ng kasiyahan, na sa pagdating ng panahon isa ito sa mga gugunitain ko at ibabahagi ng paulit-ulit sa puso ninuman.


Masasaksihan sa talaan ng aking Tala-arawan, lahat ng pagpapasinaya sa mga naging galaw ko sa aking palaruan, saksi ang pag-taas at pag-lubog ng araw...pero mananatili ang mga ngiti sa aking mga labi ano pa man ang aking harapin.






Na tulad ng isang matamis tsokolateng keyk na ito na may disenyong watawat ng Kuwait... ay masarap namnamin at ubusin dahil kumpleto sa sangkap.

=======================">



At tila naparaming gatas na naubos ko sa isang Arabikong kape ng Mcdo para lang maitama ko ang timpla ng aking tala.

O sige! Hanggang dito na lamang! Salamat sa inyong pagbasa.



Isang masayang bunga para sa lahat!

===================================================================


Ang may akda ay gumamit ng alegoryang pamamaraan ng pagsulat.
Entry para sa kategoryang Free Style Ikatlong Saranggola Blog Awards


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

Lovingly Mama said...

nice entry sis! :D

Post a Comment