RSS

Ang Luma kong Laruan - blog

"Ang Luma Kong Laruan"
Kategorya : blog
blogger : Kenyo Aries




Nagkaroon ka ba ng laruan na tumagal ng mahabang panahon at ngayon ay gumagana pa rin? ‘Yong laruan na palagi mong hawak at kasama noong bata ka pa. Ang laruan na palagi mong makikita kapag pumasok ka sa kuwarto mo. Hindi mo na nilalaro. Nakapatong na lang sa isang tabi at tila nakatingin sa’yo.

May laruan akong robot. Labing-isang taong gulang na ito. Hindi kabilang sa kupunan ng mga Decepticons o ng mga Autobots. Hindi rin siya kakambal ni Optimus Prime dahil masyadong maliit rin ito. Kung nag-aakala kang ito ang kaisa-isang pinsan ni Bumblebee, nagkakamali ka. Ang pangalan niya ay Zadak. Binigay sa akin ng Tito ko na galing Saudi. Tatlo kami ng mga pinsan ko ang binigyan niya nito. Ang palayaw naming tatlo ay Jan-Jan, Jan-Jan at Jan-Jan. Pare-pareho lang.

Grade IV pa lang kami noon nang namigay siya. Magkaedad kaming tatlo kaya magkaklase din kami. Wala na ang robot nila pareho. Nagkalasog-lasog na ang katawan ng mga ito pero ang robot ko ay malusog pa rin. Mas malusog pa sa akin. Kahit hindi siya mahilig kumain, busog na busog pa rin at ang lusog-lusog. Mahilig sa gulay kaya berde.

Kapag pinaandar ko ito, iilaw ng pula ang mga mata at dibdib niya. At berde naman ang sa dulo ng kanyang baril. Nagsasalita ito.

“My name is Zadak. Drop your weapon. Fire!”

At magpapaputok ito habang umiikot ang kalahating katawan. Maglalakad. Hihinto at muling magsasalita. Paulit-ulit lang ‘yon. Ngingiti-ngiti pa ako noon. Ang saya ng pakiramdam ko habang minamasdan ito. Pero hindi ako nagsasawa sa panonood at pakikinig sa kanyang ginagawa. (Ganyan talaga kapag laruan na ang kaharap ng isang bata. Walang kasawa-sawa.)


Para sa ibang tao, walang halaga sa kanila ang bagay na pinahahalagahan mo sapagkat hindi naman nila alam kung bakit ito mahalaga sa’yo.

Minsan ng may nangyari sa robot ko. Hindi siya nabuntis at lalong hindi siya umihi ng dugo dahil hindi naman talaga nabubuntis at umiihi ang isang laruang robot.

Umuuwi ako sa amin sa probinsiya kapag sabado dahil sa lungsod ako nag-aaral. ‘Pag pasok ko sa luwarto ko, may napasin ako na kakaiba sa loob. Parang may bagay na gusto kong makita pero hindi ko mahanap. At rumihestro agad sa isip ko na may nawawala nga. Ang robot ko.  Hindi naman siguro ‘yon dinukot ni Megatron para tubusin at sumuko sa kanya si Optimus Prime. Malabong mangyari pa ‘yon dahil natigok na si Megatron sa Transformers: Dark of the Moon.

Hinanap ko sa buong bahay pero hindi ko talaga nakita. Tinanong ko si Mama at sa kasamaang palad, ang robot ko ay binigay niya sa iba. Nagalit ako. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Mahigit pitong taong gulang ang batang binigyan niya. Ni hindi ko nga kilala ‘yon. Aanhin ko naman daw ‘yong robot eh malaki na naman daw ako.

Pero mahalaga sa akin ‘yon dahil bigay pa ‘yon sa akin ng Tito ko na ngayon ay lasinggero. Pinabawi ko kay Mama ang laruan ko. Naawa naman ako do’n sa bata kasi tumulo ang mga luha nito. Nahiya naman ako sa sarili ko eh kasi bata ‘yon. Alam kong nagdulot ito sa kanya ng tuwa at saya nang makatanggap ng laruan. Naramdaman ko rin ito noong bata pa ako.

Hindi sa madamot akong tao. Talagang pinapahalagahan ko lang‘yon kaya iningatan ko ng mahabang panahon para hindi masira.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

18 comments:

Anonymous said...

nicely done. you did a great job in writing this blog.
meron din akong laruan na iningatan ko kaya alam ko kung ano ang pakiramdam pag nawala ito.

Anonymous said...

Madami pa akong lumang laruan na nakatago lang sa bahay. Nakakamiss din :)

Cris said...

Good luck!..manalo ka sana..masarap maging bata..hehehe

Neil said...

hala..! ito na ba yung robot mo noon? gusto ko ulit makita yun pagnagkataong makabaskasyon kami dyan sa inyo..gudluck sa entry mo..

Anonymous said...

eh ano naman ung pinalit mo dun sa bata? para makuha mo ung robot mo?

Kenyo Aries said...

Maraming salamat sa mga nag-LIKE..i'm very thankful..patuloy niyo sanang suportahan ang entry kong ito.:-)

Anonymous said...

Humurous. Clean. Simple. Sentimental.

Interesting yung story. Tapos sobra akong nakarelate. Nagkaroon din ako ng robot na sobrang peyborit kaso pinamigay ni mama dahil daw college na ko. Pangit na daw sa matanda ang naglalaro pa <///3 Pero may sentimental value yun para sakin eh. Bigay pa yun ng namatay kong lola :(

Anonymous said...

It was perfectly written. The sentence is simple and easy to understand. At first, you will think it is a very plain story but as you go deeper, you will find the twist and some humurous lines. And it is an important element of the story. I like it! Keep it up!

Steve said...

goodluck, uncle...woohh

Anonymous said...

nakakatuwa yung story di siya malalim pero maientertain ka good luck

Anonymous said...

tama ka po diyan.. lahat ng bagay ay may halaga :D kahit simpleng bagay pa po ito :D its really matter , lalo na't may sentimental value

Anonymous said...

may laruan akung ganyan pero lasug lasug na :)

Anonymous said...

ang laruan ay ang bagay na nakapagpapaalala na minsan sa buhay natin ay tayo ay naging bata

Kenyo Aries said...

thank you sa mga nagcomment,naggugol ng oras para basahin ito at nagbigay ng kanilng mga sariling reaksyon..

--may sntimental value kasi yun sa akin..hehehe..

Mark said...

yan ang patunay na dapat nating pahalagahan. kahit maliit o malaking bagay man ito, ang mas mahalaga ay na-aapreciate natin yon at pinapahalagan..:-)

Anonymous said...

wow!!u did great!!

Anonymous said...

Good Job!! Keep the Good Work!

Anonymous said...

like!

Post a Comment