RSS

Kinagisnan - tula

"Kinagisnan"
Kategorya : Tula
blogger : Chuplado


Mula pa noong una, ako’y namulat na,
Sa lugar ba kinagisnan, pook na sagana.
Sagana sa basura, bote’t basag na alkansya,
Dinadampot, pinupulot, ito’ng nagiging pag-asa.

Sa buhay at pamumuhay na aking nakagisnan,
Itong maliit na espada ang aking naging laruan.
Na sinasabing pamuksa ng kung sinong kasamaan,
Ngayo’y ginagamit kong panusok sa basurahan.

Sa bundok ng basura, ako’y nandito kadalasan,
Itong aking espada, kasama hanggang sa kinahapunan.
Sandata kong nagbibigay buhay sa tiyan kong kumakalam,
Bumubuhay sa pamilya ko, di ako iniwan kailanman.

Sa pagdaka’y itong munti kong katawa’y nagkasakit,
Yakap-yakap ang laruan ko nang mahigpit.
Di napigilang ipaubaya sa kapatid kong si Emak,
Upang mapakinabangan sa buhay naming payak.

Lumipas ang panahon, kaagapay ko’y nanghina na,
Di napigilan, nabali’t bumagsak nang basta-basta.
Ako’y lumuha, pangalan ng Ama ang sinasalita,
Dahil musmos pa lamang, di alam ang aking magagawa.

Sa laruan kong espada, ako’y nangulila,
Hindi magamit ang kamay pangkuha ng mga basura.
Kinagisnang panusok, hinanapan ko ng kapalit,
Pagkatagpo’y tumindig at sinabing may makakatulong na ulit.

Sa pagsisikap ko kasama ng aking bagong laruan,
Unti-unting nagkaka-isip, nagkakaroon ng muwang.
Pinangarap na makaahon sa hirap kasama ang pamilya,
Na sa darating na panahon, lilisan sa gabundok na basura.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

2 comments:

eneyd said...

wow!!! heheh ...ang galing naman po ng tula niyo ...very inspiring..sumulat pa po kayo ng tula ha?..heheh salamat po

Ejay Manalansan said...

^^ salamat po.

Post a Comment