RSS

MCDO Happy Meal

"MCDO Happy Meal"
Kategorya : blog / freestyle
blogger : egG




Taong 1996...

Madalas kame nagpupunta sa Harrison nina Tita yun lang kasi ang pinakamalapit na SM dito sa Cavite.... wala pang SM Bacoor, SM Dasmarinas at SM Rosario nung panahon na yun...

At dahil konti din ang MCDO nun panahon na yun.. ayun sa Harrison Plaza rin kame nagmcMCDO basta dun siya sa labas tas ang katabi niyang restaurant eh KFC.. tas me sinehan sa loob... nakalimutan ko na kung ano tawag dun.. den ilang walk lang nasa Harrison Plaza ka na....

-----------------

at nun nauso ang Happy Meal... sempre pabili agad ako kay tita ang pinakauna kong happy meal ay isang "airplane ride" 39 pesos yon at me kasamang burger mcdo value meal.. tuwang tuwa ako noon...

hanggang.....

hanggang sa tuwing nagma-Mcdo kame ni Tita di kame umuuwi ng walang happy meal kasi collection ko yon nung bata pa ako.. hanggang sa dumami sila ng dumami... at binigyan ko sila ng pangalan isa isa.. depende kung sa ano ang ichura nila tas mag-iimbento ng pangalan...

for example:

Airplane Ride Festival
Rocket Ride Festival
Doggie Dalmatian
Snoopy Cowboy
Meju d'Barbie
Alice In Wonderland
Robin da Hood
Pochacco Liit
Grimace Violet

yan lang mga natatandaan ko....

-------------

pag bakasyon at walang pasok sa skul.. nasa kwarto lang ako naglalaro ng happy meal ginagawa ko silang tau-tauhan kunyari skul-skulan... tas minsan ginagawa ko silang marching bands... yung mga babae eh mga majorette.... tapos magdidrill exhibition.... me mga klasrum din sila tas gegreydan din tas in d end me mga top ten...

--------------------------

madalas ang bahay nila eh sa ilalim ng kama ko.. dun sila nakatago nasa isang malaking kahon.. ayoko kasi idisplay sa sala kasi baka kunin ng mga bata ganon ko sila ka-"love" gusto ko akin lang sila.....

---------------------------------

di naglaon naghighschool ako at maraming nagbago sa aking buhay unti unti kong kinalimutan ang pagiging bata at nag-explore dahil nasa puberty stage na ko kung san nauso ang mga crush crush at chika chika sa school... nawalan ako ng time sa mga happy meal toys ko...

-----------------------------------------

at nabalitaan ko na lang na nilagay na pala sa likodbahay namin yung mga laruan ko... pinakealaman ni Lola... di na ako nakapalag kasi high school na ako non di ko na rin sila naiisip....


-----------

at nun dumating si Milenyo... nawala na sila.... siguro naitapon na ni Lola....

pero dito sa aking puso at isip mananatili pa rin sila.... isa sila sa mga di ko makakalimutan.. kahit mga materyal lamang silang mga bagay eh pinasaya nila ko.. at tinuring ko silang mga kalaro.... kahit wala man lang akong remembrance sa kanila kahit pictures man lang.. mahal na mahal ko sila at habang buhay silang nasa isipan ko.... kahit mejo nakalimutan ko na ang pangalan nung ilan sa kanila... haayyyyy pati mga records ko sa kanila waleyyy na din ahuhuhuhu :(

hayyy kung asan man sila ngayon.. mahal na mahal ko sila..... sana OK lang sila....

sana masaya sila sa langit...... haayyyyyyyzzzzzzzzzzzzzz


inaalay ko tong entry na to sa kanila....... sa pagsali ko sa Saranggola Blog Awards

ok lang kahit di manalo ang mahalaga naalala ko mga laruan ko sa pakontest na iteyyy.. :D

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment